May 24, 2025
“The Breakup Playlist” earns P15M on opening day
Latest Articles Movies Uncategorized

“The Breakup Playlist” earns P15M on opening day

Jul 2, 2015

Ruben Marasigan
By Ruben Marasigan

maxresdefault

Gaya ng inaasahan, pinilahan ng moviegoers ang latest offering ng Star Cinema na “The Break Up Playlist” na first team up nina Sarah Geronimo at Piolo Pascual. Kahapon, Miyerkules, July 1, ay naka-15 million kaagad ang nasabing pelikula on its first day of showing.

Maganda ang feedback mula sa mga nakapanood na ng pelikula. Marami raw ang makaka-relate sa kuwento nito na tumatalakay kung paano nga ba talaga magmahal.

Sina Sarah at Piolo, paano rin ba sila magmahal?

blogger-image-1414638426“Basta… laging may assurance,” sabi ni Sarah. “Ina-assure mo lagi ang tao na nandito ka para sa kanya.

“Especially kami (ng boyfriend niyang si Matteo Guidicelli). Since hindi na kami halos nagkikita,” dahil pareho silang busy sa kani-kanilang trabaho.

Birong nasabi naman ni Piolo… “Hindi ko masagot! Walang minamahal, pasensiya naman! Ha-ha-ha!”

Pero dati noong nagmahal siya, paano?

“I try to be present,” sagot ng aktor na ang ibig sabihin ay pagkakaroon ng oras o panahon para sa iyong minamahal.

Sa pelikulang “The Breakup Playlist,” which was written by Antoinette Jadaone and directed by Dan Villegas, ginagampanan ni Piolo ang papel ni Gino na isang band member. Si Sarah naman portrays the role of Trixie na isang magaling na singer.

Sa istorya ay magkakakilala sila ni Piolo at magiging mag-boyfriend sila. Pero magkakaroon ng competition sa pagitan nila kaugnay ng kani-kanilang singing career dahilan para maapektuhan ang relasyon nila.

“Si Trixie napaka-naïve e,” paglalarawan ni Sarah sa kanyang character. “At saka ang konsepto niya ng love ay perpekto. Walang pain. Walang mga away-away. Gano’n po.”

Sabi naman ni Piolo tungkol kay Gino na kanyang ipinu-portray… “For me Gino is all about appearance, e. Kasi sobra siyang broken sa loob. Marami siyang insecurities sa buhay. Marami siyang flaws. So parang he tries to cover it with a lot of things.”

Anong lesson ang natutunan nila tungkol sa love base sa kuwento ng mga karakter na sina Trixie at Gina na kanilang ginampanan?
“Ako… acceptance at saka forgiveness,” ani Sarah.

Sabi naman ni Piolo… “Humility. You have to humble yourself to know your mistake. And then you go from there… tanggapin mo, magpakumbaba ka.”

downloadParehong na-enjoy daw nina Sarah at Piolo ang buong panahon na itinakbo ng shooting nila para sa “The Breakup Playlist.”

Si Piolo, dream leading lady kung ituring si Sarah. Bakit nga ba?

“Bakit naman hindi? It’s an experience to be working with Sarah kasi iba siya, e. Iba ‘yung ibinibigay niya sa screen, then iba rin yung ibinibigay niya on stage. So I was really intrigued. Maganda pa ‘yung work ethics niya, maganda pa ang personality. She’s really an artist. You know ito (Sarah) kapag nakita mong ganyan, hindi mo iisiping makabasag pinggan o makakagawa ng hindi maganda. Pero she transforms before your very eyes. Nakakatuwang tingnan. Ang galing!”

Napabalitang may isang eksena sa pelikula na hindi maka-concentrate si Sarah dahil sa sobrang kilig daw kay Piolo. Totoo ba ito?
Kuwento ng singer-actress… “Ano po iyon, mag-boyfriend-girlfriend kasi kami sa eksena at nakaakbay lang siya sa akin. So casual na nag-uusap kami.

“Kabisado ko ‘yong line ko pero… wala. Hindi ko po talaga kinakaya ‘yung thought na mag-boyfriend-girlfriend kami. Parang ang ganda-ganda ko! Ha-ha-ha! ‘Yun, parang hindi ko po talaga kinakaya.”

Leave a comment

Leave a Reply