
Bret Jackson considers Mercury his career-defining role

Thankful ang dating PBB housemate at actor na si Bret Jackson sa Cinemalaya dahil ito ang venue para ma-discover ang mga talents na tulad niya.
“My first lead role was with Andi (Eigenmann) for “Your Place or Mine”. It was produced by Viva. “Mercury is Mine” is my first Cinemalaya movie”, kuwento niya.
Would you consider “Mercury” a career-defining role?
“Definitely, kasi it’s my title role and I feel blessed to be part of the festival”, sey ni Bret.
Kumusta na ang pagta-Tagalog mo?
“I guess, nag-improve na ako at nag-e- effort pa to improve on it. Iyon namang mga directors ko, they always encourage me to speak in Tagalog. They advise me to read comics, watch Tagalog movies and so far, nasasanay na ako. Kasi sa TV and even sa movies, kailangan kang mag- Tagalog”, paliwanag niya.
Hindi ka ba nagkaroon ng difficulty sa role mo sa “Mercury Is Mine”?
“Not really. Kasi ang role ko is a battered American teener who’s unwanted by his parents. So, naghanap siya ng trabaho. Pumasok siya sa ‘carinderia’ ni Carmen, played by Pokwang and then, things took a different turn ”.
Ayon kay Bret, nakaka-relate siya sa role ni Mercury dahil siya man ay naging biktima ng child abuse from her biological mother noon.
Lumaki siya sa Omaha, Nebraska kung saan naging traumatic ang childhood niya sa piling ng kanyang alcoholic mother.
Madrama rin ang kanyang buhay dahil noong seven years old siya, nakaranas din siyang bugbugin ng kanyang biological mother at tumira sa orphanage.
Nang ma-rescue siya ng mga pulis, doon na siya nasimulang manirahan sa piling ng kanyang ama, na nakabase sa Dumaguete kung saan ang nakagisnan niyang ina ay ang kanyang Pinay stepmom na itinuring siyang isang tunay na anak.
Do you think na tailor-made sa iyo ang role ni “Mercury”?
“I don’t know pero kaya siguro kinuha rin ako ni Direk Jason kasi naghahanap talaga sila ng teener na may American features”.
Dagdag pa ni Bret, marami siyang natutunan kay Pokwang pagdating sa pag-arte.
“She’s an amazing actress. Iyong confidence as an actor, natutunan ko sa kanya. Dapat kasi when you act, confident ka para maging natural ang dating na hindi mo lang basta siya ina-act.”, paliwanag niya.
“Even her passion for work pati na iyong humor niya is so contagious kaya napakasarap niyang katrabaho”, aniya.
Ayon kay Bret, parang nakita naman niya kay Lee O’brien ang kanyang biological father na very supportive then sa kanya na gumanap bilang ama niya sa pelikula.
Si Bret ay isang Bisayan tisoy, bagay na hindi niya ikinahihiya dahil natuto na raw niyang yakapin ang kultura at kaugaliang Pinoy na mahal sa kanya.