May 22, 2025
Ogie Alcasid’s star power, still brightly shining; Janice de Belen, unhappy with her new show?
Latest Articles Rodelistic

Ogie Alcasid’s star power, still brightly shining; Janice de Belen, unhappy with her new show?

Jan 14, 2015

Rodel
by Rodel Fernando

Ogie-Alcasid-2-e1375831771420 copyLaos na nga ba si Ogie Alcasid? Ito ang umiikot ngayong tanong sa ilang entertainment writers na aming nakausap. Napupuna kasi nila na tila nawalan ng ningning ang kanyang pangalan mula nang lumipat siya sa TV5. Para raw hindi maramdaman ang kanyang presensiya sa showbiz. Ang mga nagawa niyang shows sa Kapatid Network ay hindi nagtatagal kesehodang malaki ang kanyang pangalan ay hindi nakatulong ito para paangatin ang binibigay na shows sa kanya ng naturang network. Isa pa rito ang mga ginagawa niyang mga concert ay nagkakasya na lang sa mga maliliit na venue di gaya ng dati ay sa mga malalaking tanghalan siya lumalabas. Hindi na rin daw ganoon kabenta ang mga record album niya kaya naman nasasabi na lumipas na rin ang kanyang panahon.

Ang masasabi lang namin sa bagay na ito ay hindi naman siguro siya laos. Maaaring nabawasan ang kislap ng kanyang bituin pero nananatili ang kanyang pangalan na itinuturing nang icon lalo na sa larangan ng musika. Nakakapagpatuloy pa rin naman siya sa kanyang karera sa pamamagitan ng pag-awit at pagpapaligaya sa kanyang manonood. Of course, nagbabago ang panahon at may mga bagong dumarating na talento at sumisikat pero hindi naman na puedeng gibain o mawala ang isang Ogie Alcasid na nag-iwan na ng tatak sa industriya ng musika, telebisyon at pelikula. Marahil, ang nawala kay Ogie ay ang kanyang PR at pakikisama. Nami-miss namin ang dating Ogie da Pogi na malapit sa mga kaibigan at sobrang bait dati. Tsuk!!!

____________________________________________________________________________________________________________________

Janice de Belen 002 copyNakatutuwa naman at may bago nang teleserye ang magaling na aktres na si Janice de Belen sa Kapamilya Network. Yes dear readers, mapapanood na siya sa programang Oh My G ng Dos na magsisimula nang umere sa January 19 bago mag-Showtime. Ito ang pinampalit sa matagumpay na Be Careful With My Heart.

Pero teka, mukhang hindi yata happy si Janice sa kanyang bagong show dahil hindi namin nakikitang pino-promote ng aktres sa kanyang social media accounts ang Oh My G. Oh My God! Bakit kaya? Well, hindi lang naman sa fb, twitter , instagram puede niyang i-promote ang kanilang bagong programa dahil nakikita naman na visible siya sa mga programa sa Kapamilya para ipag-anyaya ang palabas.

Huwag na siyang intrigahin sa bagay na ito dahil siguradong happy siya sa pagkakaroon muli ng show na siguradong ikaliligaya ng kanyang mga tagahanga. Huling napanood sa teleseryeng Honesto ang aktres na nagtapos noong May 2014. Halos pitong buwan din siyang nabakante.

Follow me…

social networkingRodel Ocampo
@rodeliciousdel
/rodelfernando

Leave a comment

Leave a Reply