May 22, 2025
Busy Goma values the importance of health, lifestyle
Latest Articles Rodelistic

Busy Goma values the importance of health, lifestyle

Jul 7, 2018

Kahit abala sa serbisyo publiko bilang Mayor ng Ormoc City ay naisisingit pa rin ni Richard Gomez ang iba pang bagay na puwede niyang gawin gaya na lamang ng pagiging spokesperson/advocate ng Philippine Heart Association (PHA) sa pamamagitan ng CPR-Ready PH 21.

Ang mapalaganap ang kaalaman tungkol sa Gadget AED (Automated External Defibrillator) ang layunin nito dahil sa dami na rin ng namamatay na ang sanhi ay cardiac arrest. Sa media launch ng PHA ipinahayag ng magaling ding aktor ang malasakit sa mga kasamahan niya sa showbiz.

“Sa shooting or taping, natatapos kami 4 to 5 am ng umaga. In short, overworked tapos puyat. Kaya nga ito pinopromote namin among our peers sa showbusiness.

“Dapat number one ang health and lifestyle. Bawas inom, bawas sigarilyo. We are trying to work it out with Department of Labor and Employment na sana mabantayan ‘yung working hours ng mga artista.

“Dami ng mga artista lalo na ‘yung mga directors na naka-cardiac arrest kaya maganda talaga itong advocacy ng PHA which is AED na dapat ang mga taga showbiz marunong din sa hands on CPR.”

Samantala, sinabi pa ni Mayor Richard na hindi muna niya priority ang showbiz.

Mas pokus siya sa kanyang paglilingkod sa bayan lalo na sa kaniyang mga nasasakupan.

fb_img_1530948651737

Hindi naman nagkamali ang mga taga-Ormoc sa pagboto sa kaniya dahil marami siyang nagagawa at natutulungan sa naturang lugar.

At sa katunayan nga, kahit baguhan sa larangan ng pulitika ay ginawaran siya agad bilang Outstanding Filipino Achiever for Public Service ng Golden Globe Annual Awards.

Leave a comment