June 19, 2025
Calling her “laos”?
Latest Articles

Calling her “laos”?

Feb 6, 2018

Sa isang panayam kay Regine Velasquez, tinanong siya kung ano ang kanyang mararamdaman kung umabot siya sa puntong hindi na siya sikat.

Ayon sa tinaguriang Asia’s Songbird, aware naman daw siya na hindi na siya ganun kasikat katulad ng dati.

Sabi ni Regine, “Personally, sa akin, nandito na ako sa time ng career ko na ganun na. Ako kasi, praktikal ako na tao. At saka nire-recognize ko naman ‘yung pinamalagi ko sa industriyang ito. I am very aware of where I am now in this industry. Alam ko na hindi na kagaya noong dati. Hindi na ako ‘yung sikat, alam ko na yun.”

Gayunman, patuloy ang pasasalamat ng singer/actress dahil hindi pa rin naman siya nawawalan ng proyekto.

“I just feel very blessed that I am still given the opportunity to be able to perform, or nasa TV pa rin naman ako. Kumbaga, nasa TV pa rin naman ako. Pero nandito na ako sa age na ganun, pababa na talaga, accepted ko na ‘yun. Mahirap lang ‘yung hindi mo ina-accept, e. Kasi, magkakaroon ka ng maraming ilusyon and, at the end, you pressure yourself. Then, you just get your heart broken. Actually, hindi ko nga nalaman ‘yung time na parang sumikat ako o kung sumikat ba talaga ako, alam mo ‘yun?

“Ayaw ko nang isipin, basta ang alam ko lang, nagtatrabaho ako. Ang alam ko lang, blessed ako ni Lord, kasi binibigyan pa ako ng work at ng opportunity to be able to work and to work with other artists,” aniya pa.

*******************

Sikat ngayon sa Indonesia si Teejay Marquez dahil kasama siya sa hit na hit na drama series na Siapa Takut Jatuh Cinta, na palabas sa SCTV Network.

teejay-marquez

Kahit ilang taon na rin namang namumuhay doon si Teejay, ay nahihirapan pa rin daw siyang mag-adjust dahil solo lang siya, na walang kasama.

Miss na miss na nga raw niya ang kanyang pamilya.

Nilakasan ko na lang ang loob ko. Looking at the brighter side na lang na after this, mas maraming magbubukas na ­opportunities and I’m sure marami akong matutunan from this experience na madadala ko pagbalik ko ng Pilipinas,” sabi ni Teejay sa isang interview sa kanya.

Leave a comment