May 24, 2025
Caloocan: A city on the road to progress
Latest Articles Rodelistic

Caloocan: A city on the road to progress

Mar 19, 2018

Naging matagumpay ang pagdaraos kamakailan ng Miss Calooocan 2018 na nasa 67 years na habang limang taon na ito sa pamamahala ng kasalukuyang Mayor ng Caloocan na si Oscar G. Malapitan.

images

Ito ay proyekto ng Cultural Affairs Tourism Office (CATO) sa pakikipagtulungan ng Caloocan Cultural and Tourism Foundation (CCTF).

Kapansin-pansin nga na marami talagang magaganda at matatalino sa naturang lugar.

Siyempre pa, hindi ginawa ang patimpalak kagandahan na ito para lamang i-display o kaya ipakita ang kaanyuhan ng kababaihan sa enteblado kundi may maganda rin itong purpose.

Hindi lamang kasi naipo-promote ang ganda ng lugar kundi nagagamit din ang mga kasali sa patimpalak o ang mga nananalo sa mga proyektong kailangan ng partisipasyon ng isang babae lalo na sa mga outreach programs, livelihood at marami pang iba lalo na kung makakatulong sa tao.

Pero ang mas kapansin-pansin din bukod sa Miss Caloocan ay ang mismong lugar na rin. Bilang residente ng Caloocan sa mahabang panahon na rin ay maraming pagbabago na ang aming nasaksihan. Maraming lugar sa amin ang maliwanag na ang mga kalsada na puwedeng mawala na ang takot kapag lumabas ka sa gabi.

May balita rin kami na unti-unti nang nag-iimprove ang peace and order sa aming lugar. Bagama’t marami-rami pa rin ang naitatalang krimen at kaguluhan ay pinipilit ng pamahalaan ng lungsod na masugpo ito at tuluyan nang mawala.

Isa pa sa masasabing pogi points sa administrasyong Malapitan ay ang kahanga-hanga at napakaganda at bagong tatag na city hall.

Nung mapasyal nga kami ay para kaming nasa isang magandang parke. Bukod sa napakaaliwalas ng lugar at mga gusali ay marami ring puwedeng puntahan sa dami ng food stores sa paligid.

Sana ay magpatuloy pa ang mga magagandang proyekto sa lugar namin at saludo kami sa men and women na nasa likuran ng mga proyektong nagpapaganda at nagpapakilala sa masasabi na bagong Caloocan ngayon.

Leave a comment