
“To those who came to watch ‘AG From the East: The Unexpected Concert,’ you are a manifestation that with God nothing is really impossible. Thank you for that night truly memorable.” – Alex Gonzaga
Jampacked ang Big Dome last Saturday night, April 25 para sa concert ng Kapamilya star na si Alex Gonzaga na ‘AG From the East: The Unexpected Concert.’ Hindi siya binigo ng kanyang mga supporters dahil halos mapuno ang venue para saksihan ang kanyang concert.
First time and dream come true for Alex ang big event na ito sa kanyang buhay kaya naman walang pagsidlan ng tuwa ng younger sister ng multimedia star na si Toni Gonzaga. Mahigit ilang buwan din ang naging preparations nila dito and finally, nagkaroon nang katuparan ang kanyang pangarap na
makapag-perform sa Araneta Coliseum.
Opening number ni Alex ang kantang Break Free at pasabog na agad ang kanyang costume na tangga. Sinundan ito ng awiting Problem at One Last Time mula sa kanyang idolong si Arianna Grande. Kaaliw lang ang concert at laught trip talaga dahil sa pagiging kuwela at kikay ni Alex. Obviously, gusto lang niyang bigyan ng kasiyahan ang mga nanood ng kanyang concert at hindi mo dapat seryosohin ang kanyang pagiging singer. Actually, maganda rin naman ang kanyang boses ‘yun nga lang, sadya nitong ginagawang ‘comedy’ ang kanyang performance.
Nang kantahin niya na ang kanyang single na ‘Panaginip’ mula sa kanyang ‘I am Alex G’ album, dito na nagkaroon ng wardrobe malfunction kung saan nakita ang kanyang bra. In fairness, the show must go on pa rin ang drama ni Alex hanggang sa magpaalam siya sa audience at sabihing may aayusin lang siya. Pagbalik ay may suot na itong leather jacket.
Kuwento ni Alex, “Ayun sa pagmamadali, hindi naibuhol at nasira ‘yung zipper kaya nakita at lumabas ang bra ko, at least ngayon alam n’yo na ang size, hay naku trending talaga pati bra ko, kaloka,” pagbibiro pa nito.
Nabulabog naman ang Araneta nang i-acknowledge ni Alex na nasa audience na si Vice Ganda. Tinawag niya ito at hiniling na magbigay ng advice bilang ‘Madam Bertud’ na ginagawa niya sa programang ‘Showtime.’ Aliw ang bahaging ito dahil panay ang okrayan nina Vice at Alex sa isa’t isa. Maging ang mga binigyan ni Vice ng love advice ay nakatikim din ng nakaaaliw na payo nito.
Ilang celebrities pa na nasa audience noong gabing iyon ay ang mga anak ni Kris Aquino na sina Josh at Bimby, Congresswoman Lucy Torres-Gomez, mag-inang Marjorie and Julia Barretto, Smokey Manloto, Robi Domingo, Rayver Cruz, Arjo Atayde, Alice Dixson, Jason Abalos at girlfriend nito na si Vicky Rushton.
Humataw naman sa sayawan at nakipag-showdown si Alex kay Maja Salvador na bida ng seryeng ‘Bridges of Love’ ng Beyonce medley hits. Kuwento pa ni Alex, naloka raw siya dahil kinabog siya ng guest niya dahil napaka-sexy nito sa kanyang tangga outfit. Grabe daw ang training niyang ginawa para dito dito dahil alam niya kung gaano kahusay sa sayawan si Maja. Biniro pa niya ito tungkol sa lovelife ng dalaga ngayon.
“Hindi ko naman alam na napapanahon ito, hindi ko nasama ang kantang ito, ‘Single Ladies’ ni Beyonce.”
“E kasi naman, hindi mo nabalitaan agad,” sagot ni Maja.
“Kamusta ka naman ngayon?,” tanong pa ni Alex. “Eto maganda,” sambit ni Maja.
“Totoo, maganda siya ngayon,” pahayag naman ni Alex.
“Alam mo Maja, you’ve never been this happier, beautiful and single. I’m so happy, may kasama na ako (sa pagiging single).”
“Tinanggap ko agad ang pagiging single kasi sabi ko kailangan ng kasama ni Cathy (Alex’s nickname),” biro pa ni Maja. “Ikaw ang dahilan.”
Guests din sa concert sina Ryan Bang, Matteo Guidicelli, Joseph Marco.
Nag-perform din ang isa sa kaibigan ni Alex na si Luis Manzano, panay ang biruan ng dalawa sa stage.
Siyempre pa, hindi mawawala ang special production number ng magkapatid na Alex at Toni Gonzaga. Kinanta nila ang ‘Frozen’ theme song na ‘Let It Go’ with matching outfit ng bida na sina Anna at Elsa. Touching ang number na ito dahil ikinuwento pa ni Toni kung gaano kalaki ang pangarap ng kanyang kapatid na maging concert performer.
Sinundan ito sexy number ng dalawa ng kantang ‘Bang Bang.’
Matapos ang concert ay agad nagpaunlak ng interview si Alex at nagpasalamat sa lahat ng bumuo ng kanyang pangarap na maging concert performer.
“Plano po namin ni Ate na magkaroon ng back to back concert since eto nga nasubukan ko na kaya magsasama po kami ni Ate sa susunod. Sobra ako thankful sa naging result nito nakakapagod po pero masaya.”
Meanwhile, sa post naman ni Toni sa kanyang Instagram account ay sinabi nito kung gaano siya kasaya para sa kapatid. Favorite performance daw niya ang ‘One Last Time’ ni Alex. She uploaded a snippet of it on Instagram (@celestinegonzaga) and wrote:
“Proudest moment! Watching you from the sidelines just like how you would always watch me. Tonight it was your stage and the moment was yours. Because nobody expected, it was God who did the unexpected. Thank you to everyone who watched. #emotionalAndgratefulAte.”
Nagpasalamat din si Alex sa pamamagitan ng kanyang IG account at ipinakita ang picture nilang mag-ate na nagyayakapan.
“Sa lahat po ng nakisaya at pumunta sa #TheUnExpectedConcert..,” she said on Instagram (@cathygonzaga). “You are a manifestation that with God nothing is really impossible. Thank you for this night I will never ever forget. Thank you Ate for hugging and praying with me before the show! Thank you Jesus!!!!”
And from your Philippine Showbiz Republic (PSR) family, congratulations Alex! Job well done!