May 24, 2025
Camille Prats is now engaged to non-showbiz boyfriend
Home Page Slider Latest Articles

Camille Prats is now engaged to non-showbiz boyfriend

Jul 20, 2015

By PSR News Bureau

058fb19d3Matapos ikasal sina John Prats at Isabel Oli, nakatakda na ring magpakasal muli si Camille Prats matapos mag propose ng kanyang non-showbiz boyfriend na si John “VJ” Yambao kagabi sa Nayomi Sanctuary Resort na pag-aari ng mga Prats. Sa nasabing lugar din nauna nang ikinasal sina John at Isabel.

Ito ang magiging ikalawang pagpapakasal ni Camille matapos itong maging isang biyuda ng masawi ang kanyang childhood friend at naging asawa niyang si Anthony Linsangan noong 2011 sa sakit na nasopharyngeal cancer sa edad na 31. Nagkaroon sila ng isang anak na lalaki, si Nathan, pitong taong gulang na ngayon.

A photo posted by Camille Prats (@camilleprats) on

Matagal din na panahon ipinagluksa ni Camille ang kanyang nasirang asawa. Marami ang nanghinayang dahil napakaaga naman daw kinuha ng Diyos ang asawa nito sa Kapuso actress. Para maka-cope-up naman sa pagkawala ng asawa’y naging busy si Camille sa kanyang family business (isang eskuwelahan) at nag-trabaho rin bilang TV host at actress sa telebisyon. Hanggang sa muling tumibok ang kanyang puso nang makilala nito si John “VJ” Yambao.

Naging masaya ang lahat ng magkaroon ulit ng kaligayahan sa puso ang aktres. Mula noon nga’y naging makulay na muli ang buhay ni Camille. Ang naging hashtag sa pagpo-propose ni John ngayon ay #PrincessSarahSaidYes. Hango ito sa ginampanan na role ni Camille noong siya’y bata pa lamang na tumatak sa maraming Filipino, ang “Princess Sarah.” Sa tulong ng Nice Print Photography na siyang gumawa rin ng pre-nup pics ng Kuya ni Camille, sila rin ang mga taong tumulong para maging successfull ang proposal na ito ni John. Mula sa amin sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), congratulations

Camille and John “VJ”!

Leave a comment

Leave a Reply