May 22, 2025
Can JC Santos, Bela Padilla duplicate last year’s hit at PPP?
Latest Articles

Can JC Santos, Bela Padilla duplicate last year’s hit at PPP?

Aug 7, 2018

Muling magtatambal sa pangalawang pagkakataon sina JC Santos at Bela Padilla sa movie na “The Day After Valentine’s” sa bakuran ng Viva Films.

Yes, para sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ang said movie. At hindi naman siguro pa natin nakakalimutan na ang naging Top grosser last year ang ” 100 Tula Para Kay Stella.”

At sila ngang dalawa ang bida. Ngayon kaya, ang pelikula kaya ulit nila ang maging top grosser?

Reunion movie nila ito pati nga sa kanilang director na si direk Jason Paul Laxamana.

received_846797782186742

Si JC ay gumaganap bilang si Kai, isang binatang nahihirapang mag-move on sa kanyang past relationship.

At malaki raw ang pagkakaiba ng role niya sa “100 Tula Para Kay Stella.”

Mukha bang nataymingan ang papel niya sa movie dahil nga loveless daw si JC ngayon.

Masaya raw siya ngayon dahil nga may oras siyang maghalaman.

At pareho nga silang loveless ni Bela. Magkasundung-magkasundo.

At iniintriga nga sila na baka may posibilidad na sila ang magkatuluyan.

Naging tawagan na nga raw nila sa isa’t-isa ay Kaps as in Kapatid.

Ang hindi pa alam ng lahat ay pareho sila ng ugali. Kaya madaling magkasundo.

fb_img_1533599517348

Sa mga nagtatanong kung saan kinunan ang ilang bahagi ng “The Day After Valentine’s” ay sa magagandang isla ng Hawaii ito.

Anyway, ang kanta ni Marion Aunor na “Akala” ang isa sa mga naging soundtacks ng movie.

Leave a comment