
Candy Pangilinan relates well to her role in “Star na si Van Damme Stallone”
by Archie Liao
May anak na special child sa tunay na buhay ang aktres na si Candy Pangilinan kaya naman nakaka-relate siya sa kanyang role sa pelikulang “Star na si Van Damme Stallone”.
Nanay kasi ni Vanvan (Paolo Pingol) na may down syndrome ang role niya sa nasabing indie film na kalahok sa 2nd Cine Filipino film festival.
Katunayan, kung iuugnay ang karanasan ng aktres sa pagpapalaki ng kanyang anak, isang malaking challenge ito para kay Candy.
Ten years old pa lang kasi ang anak ni Candy na si Quentin nang ma-diagnose itong merong autism. Pitong taong gulang pa lang ito ay napansin niyang nababanlag ito, naduduling, kaya pinatingnan sa doktor kahit pinagsalamin na ang bata hanggang mag-three years old.
‘‘Kakaiba kung mag-tantrum si Quentin dahil kapag may tantrum ito ay inuumpog ang ulo niya sa dingding. Hindi siya nakakaramdam ng sakit kahit may bukol na,’’ ayon kay Candy.
Saad pa ni Candy, kung kani-kaninong doktor na niya ito pinatingnan at iisa ang diagnosis nila, may autism nga ang kanyang anak. Pina-therapy naman niya si Quentin. Nag-aaral siya sa isang regular school pero may pinapasukan pa rin itong special school.
Hindi ito kaiba sa kanyang karanasan kay Paolo Pingol na siyang gumaganap bilang VanVan na isa ring special child.
“Nakatulong marahil iyong pinagdaanan ko sa buhay para maka-relate ako sa kanila dahil may anak din akong may disability”, aniya.
Kumustang katrabaho sina Jadford Dilanco at Paolo Pingol na mga children with disability?
“Actually, it’s quite an experience to work with children with disability. Kahit pagod na kami, we feel okay lang kami kasi may angels kami sa set. Maybe, they might not fully understand what they’re doing pero sure ako na enjoy naman sila sa kanilang ginagawa”, pahayag niya.
Sa kuwento ng pelikula, gustong mag-artista ni Vanvan (played by Paolo), nakita mo ba ang eagerness ni Paolo (Pingol) na mag-artista talaga at pumasok sa showbiz?
“Oo. Si Paolo, gusto talaga niyang mag-artista”, bulalas ni Candy.
Sa palagay mo, may puwang ba ang tulad ni Paolo sa ating industriya?
“Oo naman. Siguro, dapat maging open lang tayo sa mga storylines na ang mga characters na involved ay may disability din.”
Ano ang mensahe ng pelikulang “Star na si Van Damme Stallone?
“Hindi ganoon kalungkot ang magkaroon ng anak na may disability. Disability is not a hindrance para mangarap ka. It’s actually a hopeful film that life goes on”, sey niya. “Besides, for us, normal persons, there’s so much we have to be thankful for. May mga bagay tayong tine-take for granted sa buhay natin samantalang sila mabigat ang pinagdadaanan and yet maligaya sila sa mga simple pleasures nilang nakukuha sa buhay”,pagwawakas ni Candy.
May drama, may aksyon at may komedya ang “Star na si Van Damme Stallone” bilang ina ni Vanvan, suportado nito ang pangarap ng anak na mag-artista.
Sa kanilang sariling mundo, bibigyan nila ng katuparan ang pangarap na ito ng kanyang anak sa obrang “Star na si Van Damme Stallone” na idinirehe ng magaling na director na si Randolph Longjas ng “Ang Turkey Man ay Pabo Rin” at “Buy Now, Die Later”.
Bukod kay Paolo, kabituin ni Candy sina Sarah Brakensiek, Ebong Joson, Acey Aguilar, Mara Marasigan, Isaac Aguirre, Jadford Dilanco at marami pang iba sa pelikula.
For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.