May 22, 2025
Cannes award-winning actress Jaclyn Jose set to do a Cebuano film
Faces and Places Featured Latest Articles Movies T.V.

Cannes award-winning actress Jaclyn Jose set to do a Cebuano film

Jul 26, 2016

Archie liao

by Archie Liao

jaclyn josePagkatapos manalo ng Best Actress sa prestihiyosong Cannes film festival para sa kanyang makabuluhang pagganap bilang ‘drug mule’ sa pelikulang “Ma’ Rosa” ni Brillante Mendoza  kung saan tinalo niya ang mga pamosong Academy award winning actresses na sina Marion Cotillard at Charlize Theron, naging mas makulay ang acting career ng multi-award winning actress na si  Jaclyn Jose.  

Paano binago ang buhay at karera mo sa pagkapanalo bilang Cannes best actress?

“Marami. I got a little busier, prouder and happier. Dumami ang mga projects ko”, aniya.

Naging choosy ka na ba sa mga roles na ini-ooffer  sa iyo na kailangang ang susunod ay mas matindi pa sa papel mo sa “Ma’ Rosa”?

“Hindi naman. I do all, basta okey sa manager kong si Perry (Lansingan), okey sa akin”, sey niya.

Ano ang aabangan sa iyo pagkatapos ng “Ma’Rosa”?

“May gagawin ako under Moira (Lang) for T-Rex Productions. It’s a Cebuano movie, so kailangan kong mag-aral  ng Cebuano ng three times a week session for two hours. Tapos, meron pa akong sitcom sa GMA na “A-1 Ko Sa’yo”  then may play pa ako sa PETA .Sa ngayon, hindi ko rin alam kung kakayanin ko”, kuwento niya.

Ano’ng role mo sa bagong movie mong gagawin?

“I play the mother of children na hiniwalayan ng asawa. It’s actually a road movie tungkol sa journey ng mag-iina from Cebu to Dumaguete to attend the funeral noong husband niya at father ng mga anak niya. It’s gonna be directed by Victor Villanueva who’s also a Cebuano”, pagbabahagi niya.

You’re also doing a stage play. Is this the first time na sasabak ka sa entablado?

“No. It’s actually a request from my dear friend Andoy Ranay. I’ll be doing “Desaparecidos” for PETA pero I’m taking it one at a time. Tatapusin ko muna iyong Cebuano movie ko bago ako mag-stage”, pagbubunyag niya.

Very timely ang tema ng stage play na gagawin mo for PETA. Familiar ka ba sa ganitong tema?

“Somehow, nakaka-relate ako. I did a telecine under Laurice Guillen na “Desaparecidos” sa GMA before so I have knowledge on how I will attack my role”.

May detractor ka sa social media na nagsasabing hindi ka deserving na manalo sa Cannes  kaya ipinagtatanggol ka ng daughter mong si Andi. Ano’ng masasabi mo rito?

“I think, it’s a natural reaction. Anak ko iyon. Siyempre ako rin naman, nagre-react somehow kapag ganoon ding naba-bash siya o ang kanyang mga pelikula.”

May tsansa ba na muli kayong magkasama ni Andi sa isang proyekto after “Ma’ Rosa”?

“The chance and possibility is always open. I’m glad na iyong ginawa naming pelikula  paved the way para makilala rin siya sa international scene. Actually, I prepared her for that. I’m glad na ako iyong nag-open ng door for her somehow.  Sabi ko nga, hindi naman masama ang mangarap. If you could go for the Oscars, why not?”, paliwanag niya.

Ayon pa kay Jaclyn, happy siya na nalaman na merong panukala ang Senado na isinusulong ni Senadora Grace Poe na bigyan ng insentibo ang mga indie films na nanalo ng karangalan sa international filmfests.

“I think, it’s about time that we get to be recognized as an industry and it would be a big boost for us involved in filmmaking”, pagtatapos niya.

For  your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.

Leave a comment

Leave a Reply