May 23, 2025
Carl Guevarra would like to grow as an actor
Latest Articles T.V.

Carl Guevarra would like to grow as an actor

Jun 4, 2015

arseni@liao

by Arsenio “Archie” Liao

wattpad Nakalimang ‘Wattpad series’ na si Carl Guevarra sa TV5 kung saan nakapareha na niya sina Isabelle de Leon, Donnalyn Bartolome, Toni Aquino at ang bagong Reyna ng Wattpad na si Eula Caballero.

Karamihan sa mga roles na natotoka sa iyo ay pang-matinee idol, cutie na hinahabol ng mga babae , pantasyang Prince Charming o dream lover boy. At your age, hindi ka ba natatakot na ma-type cast ka sa mga ganitong klaseng roles?

“Iyon na nga. 25 years old na ako and yet iyong mga nakakapareha ko ay mas bata sa akin. Merong 18, 17 o mas bata sa akin, kaya I feel very flattered na lagi akong nako-consider sa ganitong mga roles”, pahayag niya.

Do you think nag-grow ka as an actor?

“Maganda naman kasi siyang training ground para sa akin as an actor. Ako naman kasi, I trust my manager. Kung may sabihin sa akin si Perry (Lansigan) na manager ko na gawin ko at gusto ko iyong project, ginagawa ko”, sabi niya. “Advantage naman kasi siya sa akin, kasi bukod sa may trabaho ako, iba’t-ibang roles naman ang nagagampanan ko. Kumbaga, may iba’t-ibang atake naman iyong ginagawa ko para hindi masabing paulit-ulit iyong roles na ipino-portray ko”, dugtong niya.

Carl-Guevarra-c01Sa mga ‘Wattpad series’ na ginagawa mo, lagi kang may mga eksenang topless kung saan naidi-display mo ang iyong muscular, well-sculpted at mala-Adonis na physique. Napag-uusapan ba ito na kasama sa script o sadyang inilalagay lang as a come-on?

“Napag-uusapan naman at nasa iskrip rin. Siguro, nakita nila na ingredient rin iyon para makadagdag ng kilig sa ‘Wattpad series’ na okay lang naman sa akin dahil physically fit naman ako at proud ako sa body ko”, aniya.

Ayon pa kay Carl, kung mabibigyan siya ng pagkakataon, gusto naman niyang gumanap ng isang pangit, weirdo, kuba o ugly guy na magtra-transform into a handsome man o Prince Charming in the end for a change sa kanyang susunod na kiligserye.

Bilang isang gym buff na alagang-alaga ang katawan, pangarap din ni Carl na makagawa ng isang instructional video on body workouts para makatulong siya roon sa mga nagnanais na maging lean at physically fit.

Maliban sa Wattpad series sa TV5, mainstay din si Carl sa “Tropa Mo Ko Unli” kung saan nahahasa ang kanyang galing sa pagpapatawa.

Leave a comment

Leave a Reply