May 22, 2025
Carlo Aquino admits he almost gave up
Latest Articles

Carlo Aquino admits he almost gave up

Jan 18, 2018

Halatang may pinagdaraanan ang relasyon nina Carlo Aquino at Viva star na si Kristine Nieto pero ayaw niyang magdetalye.

Nasa stage sila ngayon na inaayos para mabuong muli ang kanilang pag-iibigan.

“Ano lang…nag-uusap lang kami,” deklara  niya.

Samantala, kung may nararamdamang depresyon ngayon si Carlo, ganyan din ang pakiramdam niya noong panahong wala siyang proyekto.

Halos sumuko raw siya noon at pumunta na lang sa Amerika para magtrabaho.

Pero noong bumalik siya sa Star Magic at sa ABS-CBN 2 ay sumigla ulit ang career niya.

Nagkasunod-sunod ang magaganda niyang teleserye sa ABS-CBN 2.

Nagkaroon din siya ng endorsement dahil kasama siya sa Beautederm family ni Ms. Rhea Tan.

Anyway, may meet and greet si Carlo kasama si  Matt Evans sa grand opening ng BeauteLAB by Beautederm sa January 18, 4PM  sa sa Farinas Trans Terminal, AH Lacson Avenue, Manila walking distance sa UST.

Isa si Carlo sa ambassador ng Beautederm kasama sina Sylvia Sanchez, Matt Evans, Alma Concepcion, Shyr Valdez, Rochelle Barrameda, Jaycee Parker, Maricel Morales, Yayo Aguila, Alex Castro, Jestoni Alarcon, Jimwell Stevens, Hon. Migz Magsaysay, and Jericho Aguas.

Leave a comment