
Carlo Katigbak replaces Charo Santos-Concio as ABS-CBN President and CEO
by PSR News Bureau
Sa pagtatapos ng December 2015 ay pormal nang ipinakikilala ang papalit kay Charo Santos-Concio bilang ABS-CBN President at CEO na si Carlo L. Katigbak. Nakatakdang iwan ni Concio ang kanyang puwesto sa katapusan ng buwan ng December dahil ito ay magre-retiro na.
Ayon kay Eric John Salut, ABS-CBN’s Ad Promo Manager for Publicity and Social Media Print Relations, epektibo simula January 1, 2016, si Carlo Katigbak na ang magiging pinuno, Presidente at CEO ng ABS-CBN Corporation. Nagbigay ng mahalagang announcement si Salut sa isang Facebook post noong December 18.
May malawak na karanasan si Katigbak sa financial management, business operations, corporate planning at general management. Hindi matatawaran ang kahusayan nito at bago ito naging Chief Operating Office noong March 2015, pinamunuan din muna nito ang operations ng SkyCable, ABS-CBN mobile at ABS-CBN TVplus. Sa ilalim ng pamunuan ni Katigbak, na-launched ang Digibox na naging daan upang matigil ang illegal na koneksyon ng cable para mapangalagaan ang mga subscriber nito.
Nagtapos si Katigbak ng Advanced Management Program sa Harvard Business School noong 2009. Nagtapos rin siya ng Management Engineering degree sa Ateneo De Manila University noong taong 1991.
Sa kabila ng pagreretiro ni Charo Santos-Concio, patuloy pa rin naman itong magiging bahagi ng ABS-CBN bilang Chief Content Officer at executive adviser sa chairman ng naturang network. Bukod dito’y patuloy pa rin siyang mapapanood bilang host ng ABS-CBN’s longest-running drama anthology na “Maalaala Mo Kaya.”
Sa bagong hamon sa buhay ni Katigbak, at pagreretiro ni Concio, si Eugenio Lopez III pa rin ang mananatiling chairman of the board ng ABS-CBN.