May 22, 2025
Catch Barbie and Ken in Regal’s newest offering
Latest Articles

Catch Barbie and Ken in Regal’s newest offering

Oct 16, 2017

Nagsimula ang loveteam nina Barbie Forteza at Ken Chan nung nagkasama sila sa defunct series ng GMA 7 na “Meant To Be.”

Tinangkilik ng fans at sumikat ang loveteam ng dalawa.

Kaya naman, sinugalan sila ng Regal Entertainment ni Mother Lily Monteverde.

Binigyan sila ng launching movie na “This Time I’ll Be Sweeter,” mula sa direksyon ni Joel Lamangan, na showing na sa November 8.

Ito ang kauna-unahang pelikula ni Ken Chan. Sobrang nagpapasalamat siya kay Mother Lily na kung hindi dahil dito ay hindi pa siya magkakaroon ng pelikula.

At sa Facebook post ni Ken, nung batiin niya ng happy birthday (October 4) ang tumatayong tatay-tatayan niya sa showbiz, ang namayapang si German Moreno, ay ganito ang sinabi niya, ”Tatay may movie na ako! hehe Pangarap lang natin ‘to di ba? Sinabi mo sa akin noon balang araw magkakapelikula ako, ito na ‘yun Tay. Miss na kita…miss na miss. Itong movie na ito ay birthday gift ko sayo Tay sana magustuhan mo. Ikaw nang bahala sa amin ni Barang @barbaraforteza ah? Happy Birthday Master! Mahal na mahal kita!”

********************

Hanga kami sa isang young actor dahil sa husay niya sa pag-arte. Talagang napapa-wow kami sa kanya everytime napapanood namin siyang umaarte sa serye at pelikula.

images

Pero, may nakarating sa amin na hindi naman daw talaga mahusay umarte si young actor. Lagi raw itong nakaka-ilang takes bago nito makuha ang akting na gusto ng kanilang direktor.

‘Yung mga napapanood naman daw kasi natin sa kanya ay finished product na, kumbaga naayos na raw ang pag-arte niya dahil nga sa ilang takes na nakunan sa kanya.

Ang souce namin dito ay isang bit player sa mga serye. Nakatrabaho na raw niya si young actor kaya saksi raw siya sa ilang beses nitong takes bago nito makuha o ma-perfect ang isang eksena.

Leave a comment