
Caviteño pride Janjep Carlos stresses the importance of mental health
Handa ang Kabitenyong si Janjep Carlos para maging kinatawan ng bansa sa Mister Gay World 2019 na gaganapin sa Cape Town, South Africa sa darating na Mayo 4.
Sey pa ni Janjep, kinakabahan siya dahil napakalaking kumpetisyon daw ang sasalihan niya.
“I’m going to give my best shot,” sey niya.
Rigid din daw ang ginawa niyang workout to stay physically fit for the pageant.
“I really focused on my diet and workout because we know the competition there is very tight… So it’s a big challenge for me,” aniya.
Bago pa rito, itinanghal na Mister Fahrenheit si Janjep kung saan tinalo niya ang iba’t ibang kandidato mula sa buong bansa.
Napabilib din niya ang mga hurado sa kanyang advocacy.
“My advocacy is to promote mental health. I want to promote illness to wellness campaign because depression is real…and I believe one of the important tools to fight depression is keep yourself busy and channel your attention into something worthwhile,” sey niya.
“I hope to carry this advocacy in the international level. And I hope the global community will support me in my advocacy of #IllnessToWellness,” dugtong niya.
Hirit pa niya, malapit sa kanya ang kanyang adbokasya dahil nagtrabaho siya mismo sa isang organisasyong ang isinusulong ay mental health wellness and awareness.
Tulad ng dating Mr. Gay World winner na si John Raspado, bentahe ni Janjep ang kanyang ‘international appeal.’
Gayunpaman, ayaw niyang ikumpara kay John dahil may sarili raw naman silang kakanyahan.
Paniwala niya, panahon na magkaroon ng boses ang LGBT community sa buong mundo para maitaguyod ang kanilang mga karapatan at magandang pagkakataon ang kanyang pagsali sa nasabing pageant.
Paliwanag pa niya, gusto niyang maging ahente ng pagbabago being a social media influencer.
“I want to be a catalyst of change at malaking bagay kung may platform ka tulad ng social media,” pagwawakas niya.
Ang Mr. Gay World Philippines Organization ay license holder para sa Pinoy delegate para sa Mr. Gay World kung saan ang dating pageant holder turned business man na si Wilbert Tolentino ang national director.
Ang Mr. Gay World Philippines Organization (MGWPO) ay isang non-profit organization na layuning isulong ang makatao at makatarungang pagtrato ng LGBT community sa buong mundo.
Dagdag pa rito, isinusulong din nito ang HIV/AIDS awareness and assistance programs.