
On celebrating his birthday at Bahay Aruga: “I wish to make more people happy through charity works such as these.”–Rocco Nacino
Sa March 21 pa ang 28th birthday ni Rocco Nacino. Pero kaninang umaga, Sabado, March 14 ay nagkaroon siya ng advance celebration. Ito ay ginanap sa Bahay Aruga, isang shelter para sa mga batang nakikipaglaban sa sakit na cancer.
Kasama ni Rocco ang kanyang mga magulang, younger brother na si Kyle Nacino, at ang fans club niyang Rocofellas. Naroon din ang ilang taga-Artists Center ng GMA 7 at ilan pang malalapit na kaibigan.
“Quick recovery for these kids,” nakangiting sabi ni Rocco nang tanungin ng PSR (Philippine Showbiz Republic) kung ano ang kanyang birthday wish.
“Dahil nakakatuwa itong Bahay Aruga. Hindi naman sila kumikita para sa sarili nila, e.
“They’re doing this for the kids talaga.”
Survivor ng breast cancer ang mommy ni Rocco na si Mrs. Linda Nacino. Ito ang dahilan kung bakit laging mga batang cancer patients ang pinipili ni Rocco na maging beneficiary ng anumang charitable activity na ginagawa niya.
“Kaya sa family ko, sobrang naa-appreciate namin itong buhay namin. Lalo na for these kids na dapat naglalaro at dapat nag-aaral.
“So as much as possible, gusto nating pasayahin sila. Kaya ang birthday wish ko is to be able to do more of these things.”
Marami nang ganitong charitable activity na nagawa si Rocco. At ito ay hindi lang kapag birthday niya kundi maging kapag panahon ng Kapaskuhan.
“Paiba-iba kami, e. We don’t stick sa isa lang.
“Para nga makaikot kami, meet new people and new foundations. Para makatulong sa iba-ibang organisasyon.
“Kumbaga, para equal na rin. Walang pinipili talaga.”
Ano ang gift ni Lovi?“Wala pa, e. Wala pa.
“Panay nga ang kulit niya sa akin kung ano ang gusto kong gift, e. Sabi ko… well, sa totoo lang hindi ko talaga alam.
“Kapag tinatanong ako kung ano talaga ang gusto kong gift, uhm… wala talaga akong masagot, e.
“Mas importante sa akin ‘yong presence of my family, alam mo ‘yon? Like a small dinner lang.
“Napakaimportante na no’n sa akin. ‘Yon… gift na sa akin iyon.
“Hindi mahalaga sa akin ang mga material na bagay.”
Ngayong 28 years old na siya, ano ang mga goals na gusto pa niyang ma-achieve sa puntong ito ng buhay niya at career?
“Sa career ko ano… to portray many roles as I can. The more challenging, the better.
“At saka makapag-ipon. I’m 28 na so siguro… start na rin para makapag-ipon for the future.
“Para kung sakaling ready na akong mag-settle down. And hopefully makabalik pa rin ako sa medical profession.”
Graduate ng Nursing at pasado sa board exam si Rocco. Kaya hindi niya isinasa-isantabi ang hangaring ma-practice din niya ang kanyang pinag-aralan.
Ano ba ang idel age niya to settle down?
“It depends, e. Kung ano ang mga nagawa ko na sa buhay, don ko lang malalaman na ready na ako.
“Pero siguro ang ideal age… early thirties. Mga 32 o 33… gano’n.
“I can’t say, e. We’ll never know talaga.”
Malapit na ang Holy Week, ano ang plano niya? May mga tradisyon rin ba na pina-practice nila ng kanyang pamilya?
“Usually, meron. Pero ang problema lang ngayon ay sobrang peak kasi kapag April… Holy Week.
“Gaya nito, inaayos namin ‘yong birthday celebration. ‘Yong pagtulong namin ni mommy sa family ni Samboy Lim para mag-organize ng fund raising.
“Medyo naging very busy kami so hindi namin naaasikaso. Kaya siguro the whole week ng Lenten Season, sa bahay lang kami.”
What about his summer plans?
“I’ll be working. May mga regional appearances akong gagawin.
“Tapos this summer, ‘yon… anniversary namin ni Lovi (Poe). Sa Palawan naman kami.
“Nakapagpa-book na kami sa isang resort doon. For four days lang.
“Very private ‘yong pupuntahan naming island. So more of resting, appreciating nature at hindi ‘yong gimik-gimik.
“It will be more of appreciating Palawan. Enjoy the beach.
“’Yong… relaxing. Gano’n.”
Baka naman may plano rin siyang sopresahin si Lovi at mag-propose siya doon?
“Hindi pa!” natawang sagot ni Rocco.
“Matagal pa. Matagal pa ‘yon.
“We both know na matagal pa ‘yon. Kasi ang dami pa naming gustong gawin.
“So… at least alam ko na sinusuportahan niya ako sa mga gusto kong gawin. Sinusuportahan ko siya sa mga gusto niya ring gawin.
“So it will come na… okay na kami at magsi-settle down.”
Nagkakilala na ba sila ng half sister ni Lovi na si Sentaor Grace Poe?
“Hindi pa. Hindi ko pa siya nami-meet.
“Hopefully one day,” panghuling nasabi ni Rocco.