May 23, 2025
How do celebrities handle bashers?
Home Page Slider Latest Articles

How do celebrities handle bashers?

Jul 2, 2015

By Ruben Marasigan

Halos lahat ng mga celebrities ay nakakaranas na puntiryahin ng mga bashers. Pero dapat nga bang patulan nila ang mga ito o hayaan na lamang at huwag na lang pansinin. What do celebrities say about bashers? Is it worth their time or it’s better not to mind them at all? Heto ang ilan sa mga artista na natanong ng Philippine Showbiz Republic (PSR) tungkol dito…

Gabby Eigenman:

“I try not to. Kanya-kanya namang opinyon ‘yan, e. They would always say good things. They would always say bad things. Opinyon naman nila ‘yun, kaya we just have to respect their opinions. Pero may mga instances na masyado ng personal. Like for example… like few days ago nag-post ako ng diet food ko. May nang-bash kaagad sa akin na ang kapal daw ng mukha kong mag-post ng pagkain samantalang kapag lumingon ako sa kaliwa at sa kanan may mga nagugutom na tao. Hindi ko sinagot. Pinipigilan ko ang sarili ko. I know I try to help people in as much as I can. Hindi ako nagpu-post para mang-inggit. At saka you’re always thankful for the people who would send you stuff and certain gifts. You would also help people to promote their products/brands, right? Pero at the end of the day, ipinagdadasal mo na lang sila. Kanya-kanya namang opinyon’yan.”

Martin del Rosario:

“Hindi talaga ako pumapatol sa mga bashers. Ni hindi nga ako sumasagot.

“Basta hinahayaan ko lang. Hindi ako nag-i-erase, di ko rin ugali yung nagba-block kasi hindi ako naaapektuhan. Siguro based on my experience, mas maganda na huwag na lang patulan. Kasi mas lalaki pa ‘yung problema ‘pag once na sumagot ka o nalaman nila na affected ka. ‘Pag ganun, mas lalo silang gaganahan na i-bash ka. Kasi makakakuha sila ng pleasure dahil sa pagbibigay mo ng atensiyon sa kanila.”

Isabel Oli-Pratts:

“Minsan kapag sobrang foul na. Hindi para sa akin kung hindi para kay John (Pratts) or sa family ko. ‘Yung kay John recently, parang ang bastos talaga. Sobrang bastos na. Kulang na lang patayin na niya siguro si John. So pinatulan ko. Pero hindi naman patol na away. Parang sinabihan ko lang na ‘ingat ka lang din. Tayong lahat was created by God na pare-pareho lang,
so if you say na pangit si John…ikaw din!’ Sabi kong gano’n. Kasi di ba? Pare-pareho lang naman tayo kaya huwag kang mang-ano…”

Christian Bautista:

“Usually hindi. Pero merong time na kapag hindi ko na kaya, kailangan mo nang sabihin. Hindi ko na lang sasabihin ‘yung pangalan ng kaibigan ko na artista. Pero kaibigan ko siya tapos may sinabi tungkol sa nanay niya at sa kanya na… negative. So sinagot ko… huwag kang magsalita ng ganyan sa kanya or sa nanay. Kami na lang ang tirahin mo, huwag na ‘yung pamilya namin. Hindi lang kung gutom ako noon or wala akong tulog. Pero most of the time, hindi ko pinapatulan. Pero meron akong hindi puwedeng palampasin.

“I-bash mo ako na ganito ako o ganyan pero kapag ‘yung mga kapatid ko na or nanay ko na… magkita tayo, sino ka, ‘bakit mo ‘to sasabihin sa pamilya ko? Huwag mong i-involve ang pamilya ko. Pero hindi naman ‘yung mang-aaway kung hindi… bakit mo sasabihin ‘to? Bakit mo gagawin’to? Sa’n ka nanggagaling? Inapi ka ba? Ang dami mong ibinabato. Huwag na ‘yung pamilya namin.”

Ai Ai Delas Alas:

“Lumang tao kasi ako. Noong umpisa, may pinatulan talaga ako. Kasi masyado nang ‘below the belt’ eh. At saka nakakapikon naman talaga yung mga sinabi. Nag-block ako ng tao, tapos dumating pa sa point na talagang nagpa-deactivate ako ng account kasi nga naapektuhan ako emotionally. Hindi kasi ako talaga mapag-‘patol’ sa mga isyu. Pero dahil tao lang tayo, siyempre, naapektuhan ako. Pero na-realize ko na hindi pala tama na papatulan mo sila kasi nakatago lang sila kaya sila matapang. At saka sayang lang ang oras. Madaming mas dapat pagka-abalahan kesa pumatol sa bashers.

In a nutshell, sabi nga nila ‘Stop feeding the trolls.’ Kung hindi mo papatulan, kusa din itong ‘mamamatay.’ Ibig lang sabihin na hindi naging effective ang pamba-bash nun sa’yo. The more na pumapatol ka, mas natutuwa ang bashers kasi ibig sabihin naaasar ka at naapektuhan ka. Kaya’t payo ng Philippine Showbiz Republic (PSR) sa mga artista, huwag kayong magpa-apekto sa mga bashers ninyo, bagkus take it as a challenge. Isipin ninyong ang isang punong maraming bunga ay sadyang binabato.

Leave a comment