
Celebrities who secretly wear wigs
By PSR News Bureau
Anuman ang iyong maging kasarian, isa marahil sa pinakaayaw mong mangyari sa’yo ay ang tuluyang pagkakalbo o pagkalagas ng iyong buhok. Hindi tulad ng pagtaba ng katawan, mas mahirap labanan ang nasabing sitwasyon. Ilan sa maaari mong gawin ay sumubok ng ilang produktong pampatubo ng buhok, magpa-hair transplant o di kaya’y magsimulang magsuot ng peluka o wig. Kung isa kang artista, kasama sa iyong trabaho ang pagpapaganda ng iyong hitsura dahil bilang artista, puhunan mo ang iyong mukha.
Sino-sino ba sa ating mga artista ang gumagamit ng peluka? Baka magulat kayo na yung iba’y sikreto lang ang kanilang pagsusuot nito.
Unahin natin ang mga artista sa Hollywood gaya ng mga sumusunod:
Robert Pattinson—Napukaw ni Robert Pattinson ng publiko noong siya ay 19-years-old pa lamang nang kanyang gampanan ang papel ni Cedric Diggory sa ika-apat na serye ng pelikulang “Harry Potter.” Mula doon ay nakuha niya ang papel naman ng bampira na si Edward Cullen, ang bampirang umibig kay Bella sa pelikulang “Twilight.”
Pero hindi alam ng marami na nagsusuot si Pattinson ng peluka dahil nakikita na ang maagang pagkapanot niya. Kinailangan nga niyang magsuot ng peluka sa “Twilight” dahil hindi nababagay sa kanyang papel na ginagampanan ang tunay na anyo ng kanyang buhok.
John Travolta—Gumawa ang aktor na ito ng pangalan matapos niyang lumabas sa “Saturday Night Fever” at “Grease” noong dekada 70’s. Nakilala pa siyang lalo matapos mabigyan ng nominasyon sa Academy Award noon para sa pelikulang “Pulp Fiction” ni Quintin Tarantino. Dala na rin ng kanyang edad, hindi na nakapagtataka ang patuloy na pagnipis ng buhok niya. Sumubok na siya ng iba’t-ibang peluka, nakakatawa dahil sa pabago-bago niyang hairstyle at iba’t-ibang haba ng peluka ang kanyang ginagamit sa loob lang ng isang Linggo.
Nicholas Cage—Ang sikat na aktor na mayroong mapupungay na mga mata. Nakilala si Cage dahil sa pagkapanalo niya ng Academy Award para sa pelikulang “Leaving Las Vegas” noong 1992. Marami rin ang natuwa sa pagtatambal niya kay Meg Ryan para sa pelikulang “City of Angels” noong 1998. Pero mula noon hanggang ngayon ay bakas kay Cage ang kanyang receding hairline o pagkakakalbo. Palaging pinipilit ni Cage na parating magsuot ng peluka sa kanyang mga pelikula kahit ang iba’y tila nakakatawa. Ang pinakabagay na peluka na kanyang isinuot ay yung sa pelikula niyang “Con Air.”
Charlie Sheen—Naging madali para sa sikat na aktor na si Charlie Sheen ang pag-angat ng kanyang karera. Nakilala agad siya sa pelikulang “Platoon” at naging malaking bituin noong dekada 90’s. Noong 2003, naging hit din ang kanyang sitcom na may titulong “Two and a Half Men.” Tulad ng ilang aktor, kinailangan din niya ang tulong ng pagsusuot ng peluka dahil sa kanyang numinipis na buhok.
Ben Affleck—Si Ben Affleck na kahihiwalay lang sa dating asawang si Jennifer Garner, lagi nitong pino-problema kung paano niya aayusin ang kanyang buhok kaya’t sinubukan niyang iba’t-iba ang maging paghati niya sa kanyang buhok. Para mabigyan niya ng mabilis na solusyon ang kanyang problema, nagsimula siyang gumamit ng peluka sa kanyang mga pelikula. Kilala si Affleck sa kanyang mga pelikulang “Daredevil,” “Good Will Hunting” at “Chasing Amy.”
Chuck Norris—Kilala sa mga action films at nagsimula bilang member ng Air Force, naging mahusay sa martial arts si Norris at ito ang naging dahilan ng kanyang pagsikat. Sa kabila nito, naging tampulan ng panunukso at biruan sa internet ang kanyang pagkapanot. Magmula noon, mas pinili na ng aktor ang magsuot ng peluka.
Jude Law—Sumikat si Jude Lawa ng kanyang gampanan ang papel sa pelikulang “The Talented Mr. Ripley” kung saan nabigyan siya ng nominasyon para sa Academy Award. Lumabas si Law sa “Cold Mountain” at “Sherlock Holmes.” Kung tutuusin, kalbong-kalbo na talaga si Law maliban lang sa tagpi ng buhok sa harapan at likuran ng kanyang ulo. Gumamit siya ng hair plugs at peluka para matakpan ang mga bahagi ng kanyang ulo na may problema.
Daniel Craig—Kahit si “James Bond” ay hindi nakaligtas sa patuloy na pagkapanot at pagnipis ng buhok. Gumagamit din ng peluka si Craig upang mapanatili ang kanyang kaguwapuhan.
Sa local na artista naman tayo…
Pilita Corrales—Kahit ang mga babae ay hindi rin exempted sa pagkapanot. Mahilig magpapalit-palit ng klase ng buhok ang tinaguriang “Asia’s Queen of Songs.” Dahil na rin sa pagkakaedad niya kung kaya’t kasabay ng pagnipis ng buhok niya, mas pinili ni Pilita na makita siya bilang glamorosang ‘Lola.’
Regine Velasquez—Noong mga panahong hindi pa nauuso ang ‘hair extension,’ isa si Regine Velasquez sa mga artistang gumagamit ng peluka lalo pa kapag hinihintay pa lang niyang humaba ang kanyang buhok, peluka ang kanyang ginagamit.
Rico J. Puno—Ang pamosong mangaawit na si Rico J. Puno ay isa rin sa mga parokyano ng mga peluka. Ang pagnipis ng buhok niya ang siyang naging dahilan ng kanyang pagkapanot kung kaya’t ang pagsusuot ng peluka ang kanyang naging solusyon.
Arnell Ignacio—Bilang performer at stand-up comedian, alam ni Arnell Ignacio na importante ang hitsura sa mga katulad nila. Nagsimula si Arnell sa pagsusuot ng peluka hanggang sa tuluyan na itong nagpa-hair transplant.