May 24, 2025
Cesar Montano looks forward to working with son Diego
Home Page Slider Latest Articles Movies

Cesar Montano looks forward to working with son Diego

Dec 22, 2015

Archie liao

by Archie Liao

sofia and diego 2Malapit nang i-launch ang love team nina Diego Loyzaga at Sofia Andres sa isang proyekto sa Kapamilya network. Pareho kasing nakitaan ng malaking potensiyal sina Diego at Sofia kaya’t ipinapalagay na sila na ang susunod sa mga yapak nina KathNiel, JaDine at LizQuen.

Si Diego ay naging third wheel sa tambalang LizQuen sa toprating Kapamilya kilig-seryeng “Forevermore” na naglunsad sa tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Sa kasalukuyan, katriyanggulo rin siya nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa remake ng pinag-uusapang teleseryeng “Pangako Sa’Yo” na nagtatampok naman sa Kapamilya Teen Queen and King.

Si Sofia Andres naman ay nagbida na sa “Relaks, It’s Just Pag-ibig” kung saan nakapareha niya si Inigo Pascual. Naging third party din siya sa tambalang LizQueen sa “Forevermore” bilang si Kate na obsessed kay Enrique sa nasabing palabas.

Sa bagong kaganapang ito kay Diego, tuwang-tuwa ang award-winning actor-director na si Cesar Montano, ama ni Diego. Si Diego ay anak ni Cesar sa dating aktres na si Teresa Loyzaga.

sofia and diegoSa katunayan, botong-boto siya kay Sofia para kay Diego.

“She’s so pretty. She’s very beautiful. I can’t wait to watch her with Diego. I’m so excited about their new teleserye,” ani Cesar.

May posibidad ba na magkasama kayo sa isang proyekto ng anak mong si Diego?

“Of course, I’m looking forward to do a project with my son. Pero, not in the near future kasi I have a new teleserye for TV5, but I’m also looking forward to do a teleserye or a movie with him,’ sabi pa ni Buboy [palayaw ni Cesar].

Si Cesar Montano ay mapapanood sa 2015 MMFF entry na “Nilalang” isang action packed suspense thriller na nagtatampok din sa Japanese porn superstar na si Maria Ozawa at Viva hot stars na sina Meg Imperial at Yam Concepcion.

Bilang isang magaling na actor-director, ano ang ibinibigay mong payo kay Diego para mapagbuti pa ang kanyang craft?

cezar“Si Diego naman is well versed in watching movies. Siyempre, nakakakuha siya ng acting techniques at kahit paano’y malaki rin ang tulong ng mga workshops. Pero sabi ko, bago kami gumawa ng pelikula, dapat matutunan muna niyang magsalita ng straight na Tagalog. Hindi kasi siya masyadong bihasa sa Tagalog,” aniya.

Si Diego kasi ay lumaki sa Australia pero madali siyang nakapag-adapt sa ating lengguwahe at kultura sa tulong na rin ng kanyang mga kamag-anak sa bansa.

Dati kang producer. Wala ka bang balak na ipag-prodyus ng pelikula ang anak mo?

“Actually, mayroon naming plans at napag-uusapan na rin namin,” pagtatapat niya sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).

Ilo-launch si Diego bilang matinee idol. Wala ba siyang balak gumawa ng action movies tulad ng kanyang ama?

niallanag“Gusto talaga niyang gumawa ng aksyon. Probably, kung magkakaroon ng sequel ang “Nilalang,” pagwawakas ni Cesar.

rin ang tulong ng mga workshops. Pero sabi ko, bago kami gumawa ng pelikula, dapat matutunan muna niyang magsalita ng straight na Tagalog. Hindi kasi siya masyadong bihasa sa Tagalog,” aniya.

Si Diego kasi ay lumaki sa Australia pero madali siyang nakapag-adapt sa ating lengguwahe at kultura sa tulong na rin ng kanyang mga kamag-anak sa bansa.

Dati kang producer. Wala ka bang balak na ipag-prodyus ng pelikula ang anak mo?

“Actually, mayroon naming plans at napag-uusapan na rin namin,” pagtatapat niya sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).

Ilo-launch si Diego bilang matinee idol. Wala ba siyang balak gumawa ng action movies tulad ng kanyang ama?

“Gusto talaga niyang gumawa ng aksyon. Probably, kung magkakaroon ng sequel ang “Nilalang,” pagwawakas ni Cesar.

Leave a comment

Leave a Reply