May 23, 2025
Chanel Morales, Danielle Lee, David Licauco and Jerico Ejercito named Regal Babies Batch 2016
Featured Latest Articles Rodelistic

Chanel Morales, Danielle Lee, David Licauco and Jerico Ejercito named Regal Babies Batch 2016

Aug 3, 2016
by Rodel Fernando
by Rodel Fernando

Mukhang makakalikha na naman ng mga bagong titingalain at hahangaan ang Regal Entertainment sa bagong batch ng Regal Babies na ipinakilala  sa entertainment press kamakailan. Bukod kasi sa nagtataglay sila ng kagandahan at kaguwapuhan, napaka-talented pa ng mga ito.

Dalawang babae at dalawang kabataang lalaki ang puwede at maaaring  sumunod sa mga yapak ng mga original Regal Babies na sina Maricel Soriano, Snooky Serna, Richard Gomez at Albert Martinez.  Ngayong nasa bakuran  na sila ng Regal Films, siguradong mararating nila ang tagumpay na natamo ng mga naunang artista ng produksiyon ni Mother Lily.

Ang tinutukoy naming bagong batch ng Regal Babies  ay sina Chanel Morales, David Licauco, Danielle Lee at Jerico Ejercito na nasa pangangalaga ng ALV Talent Circuit ni Arnold Vegafria.

Bukod sa pang-artista nilang itsura at talent, inglesero at inglesera rin ang mga kabataang ito na puwede ring isabak sa pagho-host. Hindi rin sila mahihirapang makiharap at makihalubilo sa ibat-ibang uri ng tao dahil sa kanilang communication skills.

Isa-isahin nating kilalanin ang mga kabataang ito na nangangarap na magkaroon ng puwang sa entertainment world:

image4

 

Chanel Morales

Mahusay ang dalagang ito sa pagkanta kung saan nakilala siya sa reality talent show ng TV 5 na Artista Academy na hinangaan ng karamihan dahil sa kanyang rendisyon ng awitin ni Adele na "Rolling in the Deep".

Lumabas na rin siya sa isa pang Kapatid show na Wattpad Presents. Si Chanel ay tubong Bacolod at bukod sa pagkanta at pag-arte, mahilig din siya sa sports kung saan boxing lang naman ang paborito niyang libangan kapag wala siyang ginagawa.

image3

 

David Licauco

Nagsimula bilang print and ramp model. Si David ay isang Filipino-Chinese kung saan tumutulong din sa negosyo ng kanilang pamilya. Kung tutuusin, hindi na kailangan pang mag-showbiz ng binata dahil puwedeng siya na ang mamahala ng kanilang negosyo pero kailangan niyang sundin ang gusto ng kaniyang puso at isip at ito nga ay ang pag-aartista.

Kabilang sa masasabing achievement ni David ay ang pagkapanalo niya ng Mr. Chinatown 1st runner-up noong 2014. Sa ngayon ay gumagawa siya ng ingay sa social media dahil sa dami na ng kaniyang followers at supporters. Sa katunayan may hukbo na siya ng mga tagahanga niya na tinawag na "Licauconatics".

image1

 

 

Danielle Lee

May hawig kay Carla Abellana ang bagong Regal Baby na ito na si Danielle Lee. Maganda, matangkad at pang-beauty queen ang itsura. Bata pa lang ay pangarap na ni Danielle na mag-artista.

Masasabing hindi na nahirapan ang dalaga sa pagpasok niya sa showbiz dahil ang kanyang nakatatandang kapatid na si Divine Lee ay nakasuporta sa kaniya na kilalang modelo at tv host.

Hindi nakakapagtaka na isang araw ay magugulat na lang tayo na isa na siyang sikat na movie and tv personality at tinitingalang beauty queen.

image2

Jerico Ejercito

Bago pa man maging Regal Baby ay naging abala na si Jerico sa kanyang acting career. Marami na kasi siyang mga pelikulang nilabasan kasama ang kaniyang amang actor-politician na si Jorge "ER" Ejercito.

Kabilang sa mga pelikulang nagawa na niya ay ang Manila Kingpin: Asiong Salonga Story at El Presidente. Mayroon din siyang pelikulang nagawa na hindi pa naipapalabas at ito ay ang Ben Tumbling.

Palibhasa’y ang dugong nanalaytay sa kaniya ay dugong artista dahil parehong artista ang kaniyang mga magulang,  hindi naging mahirap sa binata ang umarte sa harap ng kamera.

Sila ang apat na bagong Regal Babies na aabangan at tinitiyak ng Regal matriarch na si Mother Lily na magaganda ang mga proyektong gagawin nila sa kaniyang produksiyon. Sa katunayan, excited na nga ang movie producer na gawan ng pelikula ang apat.

“I see a bright future ahead for Chanel, David, Danielle and Jerico”, nagmamalaking sey ni Mother.

Dagdag pa ng producer, hangang-hanga raw siya sa talent manager ng kaniyang mga bagong Regal Babies na si Arnold Vegafria dahil magaling daw itong tumuklas ng mga talento na hahangaan at mamahalin ng publiko.

Leave a comment

Leave a Reply