May 22, 2025
Charice wins Best Pop Song in Out Music Awards in America
Home Page Slider Latest Articles Music

Charice wins Best Pop Song in Out Music Awards in America

Jan 28, 2016

by PSR News Bureau

charice pempengcoBagamat hindi daw niya ito inaasahan, muling nagbigay ng parangal sa bansa ang international singer na si Charice nang manalo ito kamakailan ng Best Pop Song sa Out Music Awards sa Amerika. Ang Out Music Awards o mas kilala bilang OMA ay itinatag noong taong 2001 para bigyang parangal ang mga kontribusyon at nakamit na karangalan ng mga bumubuo ng LGBT [Lesbian, gay, bisexual and transgender] community sa larangan ng musika at entertainment industry.

Nagpasalamat naman kaagad si Charice sa kanyang personal na Twitter account sa mga taong nasa likod ng kanyang tagumpay sa pagkapanalo ng “Best Pop Song” award sa Out Music Awards.

Sa isang panayam, binanggit ni Charice na natutuwa siya sa mga panibagong nangyayari sa kanyang singing career. Sa wakas daw kasi ay nahanap na nito ang nababagay na tunog para sa kanya. Sa pop rock nga daw siya talagang kumportable. Madami kasi ang nag-akala dati na lilinya na siya sa metal rock matapos mapanood ang kanyang Instagram video kung saan inawit nito ang “The Man Who Sold The World” na isinulat ni David Bowie at kilalang inawit naman ng grupong Nirvana.

“I’m not a metal rock singer. I have to explain because I know it’s going to be a huge step for, not only for me but for everyone. Because I know that everyone is used to seeing me as, used to seeing the Charice that they’ve known previously [before her coming out],” bulalas ni Charice.

charice-pempengcoInamin din nito na magmula nang mag-out siya ay sumubok na siya ng iba’t-ibang music genre. “I’ve been experimenting and exploring. I’ve been listening to different music, and I’m going to be honest with you guys, for how many years, I’m happy to have finally found my sound which is pop rock,” dagdag pa niya.

“I’m not going to pressure everyone to like it. I just want everyone to listen to it. I’ve also started writing my own songs and hopefully, magustuhan pa rin ito ng fans.”

Ipinangako naman ni Charice na hindi nito tuluyang aalisin yung Charice na nagustuhan ng fans sa kanya. “Hindi ko aalisin yung boses na nagustuhan ninyo. I’m just going to put a spice into it. I just want to do something na katulad nung pinost ko sa Instagram, Because I don’t want to die knowing na hindi ko magagawa yun, at alam ko sa sarili kong yun ang talagang gusto ko and that’s my sound,” pagtatapos ni Charice.

Mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), congratulations Charice and thank you for once again making all Filipinos proud!

Leave a comment

Leave a Reply