
Charlie Dizon, Paulo Avelino reveal their movie idols
Isa ang Fan Gil sa official entries sa darating na Metro Manila Film Festival 2020.
Mula ito sa Black Sheep, Globe Studios, Project 8, Epicmedia, Crossword Productions with the support of Asian Project Market, Full Circle Lab and Focus Asia-Far East in Progress.
Bida rito si Charlie Dizon, na talent ng Star Magic and Rise Artists Studio bilang fan girl ni Paulo Avelino, na gumaganap bilang sarili niya.
Si Antoinette Jadaone ang direktor ng nasabing pelikula.
Since Fan Gil ang title ng movie, tinanong sina Charlie, Paulo, at Direk Tonette sa virtual media launch nito, kung naging move fan din ba sila.
Sabi ni Charlie, “Yes po! Grade 4 po ako noon. Pumunta ako sa mall show ni Richard Gutierrez. Dito po malapit ‘yung mall sa amin. So na-experience ko rin po talaga ‘yung makipagsiksikan sa mall show, at nakasali pa po ako sa games. Nakapunta pa po ako sa back stage noon. Ganoon po.”
Sabi naman ni Paulo,” Sa akin naman po, bihira kasi sa amin sa Baguio na may mga pumupunta na artista unless may festival or ano. So, puro banda. Pero kung sa mga pelikula, opo, siyempre kinalakihan ko rin ‘yung mga pelikula ni FPJ (Fernando Poe Jr.), Dolphy, sila ‘yung mga favorite ko nung bata ako.”
“Super movie fan po ako. ‘Yung mga tita ko po nu’ng bata ako, super fan sila ng That’s Entertainment (sikat na youth-oriented show noon na napapanood sa GMA 7) na pumupunta pa po kami pati roon sa Sta. Cruzan, sa Araneta Center. So, ganoon po sila ka-movie fan. So feeling ko, kaya rin po naging movie fan ako, dahil ganoon sila ka-fan ng mga artista. Pero nu’ng nag-aral na po ako ng film, mas naging fan ako ng mga nasa likod ng kamera. Kaya nu’ng nakapasok na ako sa Star Cinema, kay Direk Joyce (Bernal), mas na-star struck po ako kina tatay Charlie Peralta at Mario Ignacio. Doon po ako mas nai-star struck kesa mga artista, ‘Yun po!”
Sa tanong naman kay Charlie, kung gaano ka-challenging ‘yung bida na siya sa pelikula, na siya ang nasa title role, ang sabi niya, “Ako po,siyempre, sobrang nakaka-pressure po ‘yung ganoon na first lead film ko po ito. And hindi rin po madali ‘yung proseso na pinagdaanan namin while we were shooting. Katulad po na ginamit sa akin ni Direk Tonette ‘yung method acting. So ‘yun po ‘yung isa sa mga challenges talaga na hinarap ko while shooting. Pero over all, happy naman po kami sa ginawa namin. So ayun po. More than the pressure mas excited po ako ngayon.”
Ang sagot naman ni Paulo sa tanong kung ano ang pinaka-challenging sa pagganap niya bilang siya, “Actually ang pinaka-challenge kasi talaga ‘yung hindi ka umaarte. ‘Yung naging natural ka lang sa lahat ng ginagawa mo bilang ikaw, with some added factors. Pero ‘yun po siguro ‘yung pinaka-challenge, kung paano mo gawing mas organic sa eksena, sa pag-deliver ng lines.”
Ang Fan Girl at iba pang entries sa MMFF 2020 ay mapapanood sa buong mundo sa UPSTREAM.ph lamang sa halagang 250.00.
Mabibili ang ticket ng Fan Girl sa bit.ly/WatchFanGirl. Mula Disyembre 25, 2020 hanggang Enero 7,2021, magkakatotoo na ang ating mga pantasya sa pag-uwi ng Fan Girl ngayong Kapaskuhan.