May 23, 2025
Charo Santos grateful to businessman husband: Hindi siya maramot
Latest Articles

Charo Santos grateful to businessman husband: Hindi siya maramot

Jul 8, 2019

Very touching ang naging rebelasyon ng ABS-CBN Chief Content Officer at award-winning actress na si Charo Santos-Concio tungkol sa itinuturing niyang kaakbay sa buhay na walang iba kundi ang mister niyang businessman na si Cesar Rafael Concio, Jr. sa nakaraang Sunlife Kaakbay presscon.

Aminado rin siyang marami ang nagimbal sa desisyon niyang magpakasal dito noong 1983 sa kabila ng mga batikos dahil sa 24-taong agwat ng kanilang edad.

Pahayag pa niya, malaking bahagi ang kanyang asawa sa anumang tagumpay na kanyang natamo bilang aktres, lider at ina.

“My husband is my rock, anchor and compass,” aniya. “Nirespeto niya ang pagkatao ko, so parang I’m just paying tribute to the man who loved me unconditionally,” dugtong niya.

Sey pa niya, nagpapasalamat din siya sa  pagiging supportive nito sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay kasama na sa karera.

“I guess, he’s a selfless man and he’s very happy for all my successes. Hindi siya maramot. Ang ganoong klaseng asawa ay hindi maramot. Nirespeto niya ang kababaihan ko, ang pagkatao ko. He allowed me to pursue my dreams. He allowed me to fly. He allowed me to commit mistakes and still loved me unconditionally,” pagbabahagi niya.

Marami rin daw siyang natutunan sa mister lalo na pagdating sa pamumuno at pamamalakad ng mga tao na kanyang nakakasalamuha at nasasakupan.

“Parang leadership is never about you, it’s about the people you serve. Don’t take things personally. This social path, if you’re going through some challenges, you must learn to look at things with detachment so that you’ll be able to make objective decisions. The considerations may come later but at least you’ve made a fair and objective cause. Learn from your mistakes but don’t dwell on your mistakes. Alisin mo iyong ‘eh, kasi naman’ sa iyong lengguwahe o ‘alam mo, sana ganito ang ginawa ko’, kasi sometimes we tend to blame and point a finger at the world,” pagbabahagi niya. “He taught me also the sense of accountability. Pag may mali ka, aminin mong mali ka,” pahabol niya.

Giit pa niya, natuto rin daw siyang dalhin ang sarili at maging mahinahon sa mga pagsubok ng kanyang posisyon.

“The grace has always been there. Hindi ko maiaarte iyong galaw ko,” ani Charo.

As a super woman, inamin din niya na may awkward moments din siya bilang tao at lider.

“Hindi naman puwedeng wala. Dati, I was very shy. Usually, nakaupo lang ako sa isang tabi. Boring nga ang tawag ng press dati sa akin dahil ako pag tinanong mo, isang tanong, isang sagot,” pagbabalik-tanaw niya.

Na-outgrow lang daw niya ito dahil sa mga natutunan niya sa kanyang mga karanasan.

“I guess, with all the experience, with age gain, when you gain experience, when you gain more wisdom, it bring you self-confidence. Mas marami kang nakakasalamuha na nare-realize mo na pare-pareho naman kaming taong puwedeng magkamali at bumangon sa pagkakamali,” pagwawakas niya.

Bilang endorser ng SunLife, malaki ang pagpapasalamat niya sa nabanggit na kumpanya dahil naging kaagapay niya ito sa kanyang seguridad at pananalapi.

Leave a comment