
Cherie Gil wins Best Actress in 2015 ASEAN International Film Festival Awards
Si Cherie Gil ang tinanghal na Best Actress sa katatapos lang na 2015 ASEAN International Film Festival and Awards (AIFFA) na ginanap noong Sabado, April 11 sa Borneo Convention Centre in Kuching, Malaysia. Nanalo si Cherie para sa mahusay niyang pagganap sa indie film na Sonata.
Ang mga tinalo ni Cherie ay ang kapwa niya Pinay actresses na sina Vivian Velez (Bendor), Barbara Miguel (Nuwebe), Krystle Valentino (Purok 7) at ang Indonesian actress na si Prisia (Sekola Rimba).
Sa kanyang Facebook account, pinasalamatan ni Cherie ang late brother niyang si Mark Gil at ganundin ang dalawang direktor niya sa nasabing pelikula na sina Peque Gallaga at Lore Reyes.
Ang FB post niya ay, “Thank you so much AIFF / Tarima kase Malaysia / We did it! SONATA family Love love love Nelson Bakunawa, Jo M Macasa, Lore Reyes, Wanggo Gallaga and Chino Jalandoni. Thank you Ralph (Mark) too!! This one is for and because of you.”