May 22, 2025
Chinese New Year at Pepito Manaloto ang Tunay na Kwento
T.V.

Chinese New Year at Pepito Manaloto ang Tunay na Kwento

Feb 17, 2015

joe@barrameda
by Joe Barrameda

Ngayong Sabado, February 21 sa Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento, bibisita si Billy, ang bayaw ni Mimi (Nova Villa) na ngayon ay isa nang Feng Shui master. Nagpapahanap ng mga bagong kliyente kaya ipinakilala ni Mimi sina Elsa (Manilyn Reynes) at Pepito (Michael V.). Hindi raw interesado sa Feng Shui ang mag-asawa pero si Elsa bumili ng bracelet para pagbigyan si Mimi. Biglang dumating ang sunod-sunod na suwerte sa kanya kaya naman nagpa-Feng Shui na si Elsa. Nakigaya pa sina Mimi, Deedee (Jessa Zaragoza) at Berta (Jen Rosendahl). May suwerte nga kayang papasok sa bahay nila?

Samantala, naisip naman ni Tommy (Ronnie Henares) na magbenta ng paputok, kinuntsaba pa si Patrick (John Feir). Pero bakit parang naubos agad ang mga fireworks sa kate-testing. Pumatok kaya ang negosyo niya?

Pasuwertehin ang iyong Sabado (Feb 21), makitawa kasabay ang buong bayan habang nanonood ng Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA7.

Guests:
Buboy Garovillo
Jen Rosendahl
Chester the Cat

9

Leave a comment

Leave a Reply