
Chloe Sy ready for more sexy roles
ANG member ng all-female sing and dance group na Belladonnas na si Chloe Sy ay tiniyak na kaabang-abang ang pelikula nilang Anak ng Macho Dancer na tinatampukan ni Sean De Guzman at mula sa pamamahala ni Direk Joel Lamangan.
Si Chloe ay nasa pangangalaga ng 3:16 Events and Talent Management ni Ms. Len Carrillo.
Sa career naka-focus si Chloe at base sa mga pahayag ng dalaga, desidido siyang maabot ang kanyang mga pangarap bilang aktres.
Second movie na ni Chloe ang Anak ng Macho Dancer at dito’y nagpatikim siya na kaya niyang sumabak sa mga daring na role.
Wika ng 20-year old na si Chloe, “Ibang Chloe po ang makikita nila rito, marami pong aabangan sa akin sa movie, pero secret muna po, hahaha!”
Dagdag pa niya, “Ang role ko po rito ay ‘yung girlfriend po ni Ricky (Gumera).
“Bale, pangalawang movie ko na po ito, yung una po ay iyong Codep,” aniya pa ukol sa kanilang advocacy film na pinamahalaan ni Direk Neal Tan na tinampukan ng Primadonnas at Clique V.
Paano siya na-convince na magpa-sexy?
“Actually po kasi, gusto ko rin ng ganoon na role, I mean, ready po kasi ako talaga sa kahit na anong role,” matipid na sagot pa ni Chloe.
Ipinahayag din niyang masaya siya sa nakuhang break ng kapatid niya sa talent management na si Sean.

“Super po, sobrang happy po ako para kay Sean, deserve niya po ito, mabait po kasi siya. Alam kong pinaghirapan niya ito at gusto niya ito,” masayang pahayag pa ng newbie aktres.
Since aminadong maaari siyang malinya sa sexy projects at handa naman si Chloe na mas maging daring sa susunod niyang project, ano ang mararamdaman niya kung in the future ay bansagan siyang sexy star?
Sambit niya, “Siguro po, okay lang naman sa akin iyon kung tatawagin akong sexy star, siguro masaya… work lang naman po kasi ito.”
Ang pelikulang Anak ng Macho Dancer ay mula sa The Godfather Productions ni Joed Serrano, business consultant dito si Grace ibuna, supervising producer si Jobert Sucaldito, at line producer naman si Dennis Evangelista.
Tampok din sa pelikula sina Allan Paule, Jaclyn Jose, Rosanna Roces, Jay Manalo, William Lorenzo, Emilio Garcia, Ricky Gumera, Charles Nathan, David Schion, Miko Pasamonte, Niel Suarez, at iba pa.