
Christian Bautista bags two nominations for PMPC Star Awards for Music
by: Ruben Marasigan
Excited si Christian Bautista para sa nalalapit na 7th PMPC Star Awards For Music. Dalawang nomination kasi ang nakuha niya para sa kanyang pinakahuling ginawang album, ang Soundtrack.
Unang nomination niya ay para sa Male Recording Artist Of The Year. Kabilang sa nominees din sa kategoryang ito sina Gloc 9, Janno Gibbs, Martin Nievera, Noel Cabangon, Richard Poon, at Vice Ganda.
Ikalawa ay para naman sa Male Pop Artist Of The Year. Nominated din dito sina Aljur Abrenica, Gerald Santos, James Reid, Janno Gibbas, Martin Nievera, at Richard Poon.
“Ang sarap ng pakiramdam!” natutuwang pahayag ni Richard kaugnay ng dalawang nominations niyang ito.
“Kasi parang nari-recognized ‘yong trabaho mo. Nari-recoginized ‘yong pinaghirapan mo. At nari-reconized ‘yong mga music mo.”
Nanalo na si Christian sa PMPC Star Awards For Music bilang Best Male Recording Artist noong 2010. Noong 2012 naman ay nagwagi ulit siya bilang Male Pop Artist Of The Year naman.
May kaba pa ba kapag ganitong nanu-nominate siya for an award?
“It’s more excitement. Tapos kung susuwertihing manalo ulit, mas masaya ang ang pakiremdam siyempre.
“Bonus, kumbaga. Karaghdagang reward para sa hardwork mo.”
Sa ngayon, busy sa pagpu-promote si Christian ng repackaged album niyang Soundtrack.
“Nagdagdag kami ng isang song do’n sa Soundtrack na album. It’s still the Soundtrack album pero dinagdagan ng kanta namin ni Jessica Sanchez na Two Forevers.”
Kagagaling din lang niya sa New York kasama sina Ai Ai delas Alas, Julie Ann swan Jose, Dingdong Dantes, at ilan pang Kapuso stars. Nag-show sila roon para sa GMA Pinoy TV.
Pagbalik ng Pilipinas ay sabak agad ulit siya sa hosting ng To The Top, isang boy band search program ng GMA 7.
“It’s every Saturday and Sunday. Patapos na ito. Malapit na ang finals.
“Tapos I’m preparing for concert sa Amerika. Gagawin ito sa Livermore in San FranciscoSa October 17 at sa Texas this October 23.”
Solo concert lang niya ito. At mahirap daw kapag gano’n na mag-isa lang siyang magpi-perform at wala ni isang guest na artist sa kanyang concert?
“Mas mahirap. Kasi kailangang makuha mo ang atensiyon ng audience mo for one hour or two hours alone.
“Kapag may guest artist, at least may pahinga ka. Pero kang kabatuhan ng spiels o dialougue, ganyan.
“Ang concert, usually mga one hour and 30 minutes. Mga 15 to 18 songs, ganyan. Dire-diretsong kakantahin mo.
“Kaya in preparation for a solo concert na ganyan, you really have to sleep na… minus alcohol at pagpapagod. Tapos drink a lot of water and vocalize exercise.”
Fully booked na raw ang schefdule ni Christian sa mga shows in and out of the country hanggang December.
“For next year, it’s still free,” ang kanyang schedule ang ibig niyang tukuyin. “So… I don’t know yet what’s gonna happen.”
Best Regards,