
Christopher De Leon shares the power of prayer

By PSR News Bureau
Lingid sa kaalaman ng marami na dumaan sa matinding pagsubok ang beteranong aktor na si Christopher De Leon kamakailan lang. Dalawa sa kanyang mga mahal sa buhay ang sinubok ng tadhana. Ang una ay ang kanyang pangalawang anak na lalaki na si Juan Carlos Miguel na sa kasalukuyan ay nagpapagaling sa isang matagumpay na operasyon mula sa kanyang testicular cancer. Masaya ang aktor na cancer-free nang maituturing ang kanyang anak. Nagpapalakas pa ito ng katawan ngunit nakatakda nang umuwi ito sa Pilipinas mula sa Amerika.
Taong 2014 nang ma-diagnosed si Juan Carlos Miguel sa kanyang sakit. Ang ikalawa naming pagsubok ay nang magkasakit din ang kanyang kabiyak na si Sandy Andolong. Matagal nang nagde-deteriorate ang kidney ng aktres. Kaya’t kinakailangan din nito ng isang kidney transplant. Kinailangan niyang umalis at magpagamot sa San Francisco dahil doon naka-base ang anak nilang si Miguel. Nang makauwi naman siya ay hinarap naman nito ang asawa na nasa ospital din.
“It was very hard. It was almost like…there are days na you would shake dahil hindi mo alam kung ano, out of stress or nervousness. But you know, I just kneeled and thanked God,” kuwento ni Christopher.
Hindi nagbago yung paniniwala naming pamilya sa Diyos kahit pa magkasunod na dagok ang natanggap namin. Maluwag sa dibdib na tinanggap ni Christopher at ng pamilya nito ang lahat ng nangyari. Aniya, “You really had to hang on to the Lord.”
Umasa lang daw ang aktor sa matinding panalangin sa Diyos. Wala na daw ibang maaaring kapitan upang patuloy siyang mabigyan ng sapat na lakas sa araw-araw. Napakamakapangyarihan pa rin daw ang panalangin. Huwag daw mawawalan ng pag-asa dahil ibibigay daw ito sa atin ng Panginoon kapag masipag tayong manalangin.
Sa ngayon nga ay kasalukuyang nagpapagaling si Sandy Andolong mula sa operasyon nito sa kidney. Ang anak naman nilang si Miguel ay nakatakdang bumalik ng bansa para sa kanyang nalalapit na kaarawan.