Ciara Sotto admits leaving husband
by PSR News Bureau
Hell hath no fury like a woman scorned.” Ito ang naka-post sa Twitter account ng singer-actress na si Ciara Sotto via @ciara_anna nitong Linggo, January 17. Matatandaan na noong nakaraang linggo lang ay pumutok ang balitang umalis si Ciara sa bahay nila ng kanyang asawang si Jojo Oconer kasama ang nag-iisa nilang anak na si Vincezo Xose, 11 months old.
Matapos ang anim na taon na pagsasama nila bilang mag-asawa, kinumpirma ni Ciara na totoong nagkakaroon sila ng problema ng kanyang asawa. Totoo rin na umalis muna siya sa kanilang bahay ay piniling bumalik sa bahay ng kanyang mga magulang kasama ang kanyang anak. Hindi man binanggit or diretsahang sinabi ni Ciara kung ano ang siyang tunay na dahilan ng problema nila ng kanyang asawa, madami ang nagsasabing third-party ang siyang dahilan. Nadadawit nga lately ang pangalan ng aktres na si Valeen Montenegro na siyang tinuturong dahilan ng hiwalayan nina Ciara at Jojo.
Ayon pa kay Ciara, “The truth is painful, but it is what it is. I know that the Lord will strengthen me after this.”
Sa huli, nagpasalamat si Ciara sa suporta ng fans at ng mga taong nagmamahal sa kanya sa pinakamahirap na panahon sa kanyang buhay sa kanyang opisyal na Instagram account na @pinaypole. Pinakiusapan din ni Ciara ang publiko na hayaan siya na manatiling pribado ang aspeto na ito ng kanyang buhay at irespeto ang kanyang pananahimik ukol sa nasabing isyu.
Sa kasalukyan, wala pang statement na nagmumula sa kanyang asawa at mga magulang na sina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa, maging kay Valeen Montenegro na sangkot diumano sa nasabing isyu.