
Ciara Sotto seems bent on filing a case against husband Jojo
by PSR News Bureau

Tila social media ang ginagamit na paraan ng singer-actress na si Ciara Sotto upang makapag-vent out sa sakit ng kanyang kalooban sa pakikipaghiwalay nito sa asawang si Jojo Oconer. Kung mapapansin, naging sunod-sunod ang mga posts ni Ciara sa kanyang social media accounts tungkol sa ibang babae diumano ng kanyang asawa. Hindi man niya tuluyang binabanggit kung sino ang naturang ‘other woman’ pero base na rin sa kanyang mga kuwento at posts ay halatang nagpipigil lang si Ciara ng kanyang galit dito.
Nanggigigil si Ciara nang nag-post ito nang:
“God will not bless you with someone else’s husband.” Inamin rin ng aktres-singer na muntikan na niyang i-tag ang bagong babae ng kanyang asawa sa naturang post.
Lately nga ay tila nagpaparinig na rin ito na mayroon na siyang balak na magsampa ng reklamo sa korte tungkol sa usapin nilang mag-asawa dahilan na rin sa isang linya na inilagay nito kung saan binanggit niya na tila ‘hinihintay kasi nila ang subpoena.’
Magkahalo ang naging reaksyon ng netizens tungkol ditto sa isyu. May ilan na nagsasabing tama lang ang ginagawa ni Ciara na pagpo-post ng kanyang mga saloobin samantalang para sa iba hindi ito tama pagkat para daw itong kaso ng ‘washing dirty linens in public.’ Yung iba’y sinasabing nagpapapansin lang si Ciara sa publiko at nagpapaawa. Habang ang iba naman ay binibigyan ng woman empowerment ang aktres bilang babaeng kinaliwa ng kanyang asawa. May nagsasabi rin na tipong nagpapagamit ito at nag-iingay upang muling iboto ang kanyang Tatay sa nalalapit na eleksiyon.

Kung tutuusin, hindi naman kawalan ng breeding ang paglaban ng karapatan mo bilang isang legal wife. Sabi pa ng madla, puwede naman daw kasing kausapin na lang ng pribado ni Ciara ang asawa at ang babae nito sa harap ng isang abogado o piskal nang hindi na kailangan pang paingayin ang ‘baho’ nila sa social media. Public shame na raw kasi ang ginagawa ni Ciara at hindi na raw ito nakakatuwa.
Sa samu’t-saring lumalabas na isyu, wala pa ring kumpirmasyong nanggagaling kay Ciara kung sino nga ang bagong babae ng kanyang asawa. Nananatili pa ring tahimik ang kampo ni Jojo Oconer at maging ang sariling magulang ni Ciara ay tila hindi nakikisawsaw pa sa isyu na marapat lang naman. Inirerespeto natin ang kalayaan ni Ciara na mag-post sa kanyang social media accounts, pero sana isaalang-alang din niya ang katayuan ng pamilya niya sa buhay.
Abangan na lang natin ang magiging developments sa mga darating na araw kung mayroon nga na plano si Ciara na mag-file ng kaso laban sa kanyang asawa at sa bago nitong babae na diumano’y sumira ng kanilang pagmamahalan.