
Cinemalaya this year is “Break the Surface”
Sa pagbubukas ng Cinemalaya ngayong taon, mas mabibigat na pelikula ang matutunghayan ng mga manonood lalo pa’t mas pinalawak ang pagpapalabas nito hanggang sa labas ng Metro Manila.
Mapapanood ang mga dekalibreng pelikula ngayong buwan ng Agosto, simula 5 hanggang 14 sa mga piling venues gaya ng Cultural Center of the Philippines at sa mga sinehan sa Greenbelt 3, Glorietta, Makati, Trinoma, UP Town Center, at sa Nuvali, Sta. Rosa. Sa Cebu naman ay mapapanood rin ang mga pelikula simula 9 hanggang 14 buwan ng Agosto.
Kaabang-abang ngayong taon ang mga entries sa Cinemalaya dahil na rin sa tema nitong “Break the Surface”. Iba’t ibang istorya at iba’t ibang mukha ang matutunghayan ngayong taon.
Kabilang ang pagbabalik ng Full Length Feature Category. Siyam (9) na kalahok ang magtatagisan:
- Ang Bagong Pamilya Ni Ponching sa direksyon ni Inna Miren Salazar at Dos Ocampo
- Dagsin sa direksyon ni Atom Magadia
- Hiblang Abo sa direksyon ni Ralston Jover
- I America sa direksyon ni Ivan Andrew Payawal
- Kusina sa direksyon ni David Corpuz at Cenon Palomares
- Lando at Bugoy sa direksyon ni Vic Acedillo, Jr.
- Mercury is mine sa direksyon ni Paul Laxamana
- Pamilya Ordinaryo sa direksyon ni Eduardo Roy, Jr.
- Tuos sa direksyon ni Derick Cabredo
Sa Short Feature Category naman magtatapatan ang sampung (10) kalahok:
- Ang Hapon Ni Nanding sa direksyon ni Rommel Tolentino
- Ang Maangas, Ang Marikit at Ang Makata sa direksyon ni Jose Ibarra Guballa
- Bugtaw sa direksyon ni Noah Del Rosario
- Butas sa direksyon ni Richard Cawed
- Fish Out Of Water sa direksyon ni Mon A.L. Garilao
- Forever Natin sa direksyon ni Cyrus Valdez
- Get Certified sa direksyon ni Isaias Herrera Zantua
- Mansyong Papel sa direksyon ni Ogos Aznar
- Nakauwi Na sa direksyon ni John Relano, Patrick Baleros, Luis Hidalgo
- Pektus sa direksyon ni Isabel Quesada
Usap-usapan din ang pagbabalik pelikula ng Teleserye Queen Judy Ann Santos na mapapanood sa kanyang kakaibang pagganap sa pelikulang “Kusina” na kalahok sa Full Length Feature Category. Hindi rin naman nagpaiwan ang Superstar Nora Aunor sa kanyang mapaghamong pagganap sa pelikulang “Tuos” na kalahok rin sa nasabing kategorya.
Excited na ang mga moviegoers na matunghayan ang mga pelikulang pinaghirapan ng mga directors, writers, actors, at ang buong team ng pelikula. Ani ng mga indie film fans ay sadyang kakaiba ang mga entries ngayon at sadyang kaabang-abang ang temang “Break the Surface”.