May 24, 2025
Liza Soberano is one soft-hearted actress
Faces and Places Latest Articles

Liza Soberano is one soft-hearted actress

Jun 30, 2015

leony@garcia
By Leony R. Garcia

liza-slide-2

With gorgeous looks and superb acting skills that are beyond her 17 years, actress Liza Soberano is hailed as the next it-girl in show business despite being a relatively fresh face in the industry.

Kaya naman para naman sa pamunuan ng Goldilocks, perfect choice si Liza bilang pinakabagong endorser. Isang huwaran sa kabataan na sa gitna ng kasikatan ay nananatiling simple at mapagmahal sa pamilya.

Goldilocks-Liza-Soberano-5

Liza’s numerous qualities make her the perfect endorser for the country’s number one bakeshop. For more than 45 years, the company has cultivated an image of friendliness and hospitality with its signature Pinoy treats.Despite changing generations, it has been a constant in Filipino culture.The company’s lasting appeal, high-quality products and easy recognizability have led it to have a special place in the hearts of Filipinos, both old and young alike. Liza’s charming and warm-hearted nature perfectly reflects Goldilocks,” ayon sa Goldilocks.

Marami ang natuwa kay Liza sa pagpirma nito bilang endorser ng cake company lalo na at hindi niya agad naintindihan ang tungkol sa pusong mamon at mammon moment.

“Anong mamon moment?” ganting tanong ni Liza Soberano sa media representatives last weekend.

It’s something or an event in your life which makes your heart soft,” the group explained.

Ang batang aktres na soft-spoken, magalang at inosente pa sa maraming bagay ay napatawa bago muling sumagot.

Ayon sa kanya pusong mamon siya nang muli niyang makita at makapiling ang kanyang ina sa Amerika after seven years. Nakabonding din niya ang mga nakababatang kapatid.

First time naming nakaharap at nakausap nang malapitan si Liza. Napakagandang bata nito at walang makeup na humarap sa press. May jetlag pa ito dahil galing nga sa US kung saan nag-promote ng pelikula niya with Enrique Gil, ang blockbuster hit na “Just the Way You Are.” Pero game pa rin itong humarap sa media at nagpa picture -taking sa mga tagahanga. Walang kiyeme nitong kinarga ang isang batang babae na kasama sa fan day cum contract signing.

We understand, may batang kapatid pa si Liza kaya natural na natural ang kanyang kilos sa pagkarga sa bata.
Malayo ang mararating ng batang ito bilang artista kung maaalagaan nang maayos. At masuwerte siya dahil nasa mabuti siyang kamay, sa pagma-manage ni Ogie Diaz na isang mabait na family man.

Ayon kay Ogie Diaz, isang pelikula pa ang pagsasamahan ng bagong loveteam, ang LizQuen, bago sila bigyan ng isang pang teleserye ng Kapamilya network. Matatandaang superhit din ang serye ng dalawa, ang Forevermore.

May pahaging pa ang manager para sa career ng kanyang alaga: “Abangan natin ang paglipad…ang paglipad ng mamon!

May kinalaman kaya ito sa naaantaalang paglipad ni Angel Locsin bilang Darna? Abangan…

Leave a comment

Leave a Reply