June 2, 2025
Claudine Barretto on Raymart Santiago: “We’re now friends.”
Home Page Slider Latest Articles

Claudine Barretto on Raymart Santiago: “We’re now friends.”

Jan 22, 2016

by PSR News Bureau

Mabuting magkaibigan na ang dating estranged couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago. Malayong-malayo na sila sa dating parang halos aso’t-pusa na walang ginawa kung hindi ang mag-away at magbangayan. Matatandaang matindi ang naging pag-aaway nila noong nakaraang taon na halos magbatuhan sila ng kung anu-ano laban sa isa’t-isa. Ngayon nga ay pinapayagan na rin ni Claudine si Raymart na matulog sa bahay nila kasama ang kaFerragamo Womens Pumps Sale nilang mga anak na sina Sabina at Santino.

Inamin din ni Claudine na napag-usapan na rin nila ni Raymart na hindi na muna nila itutuloy ang pagpa-file ng annulment case. Hindi naman dahil sa may balak pa silang maging mag-asawang muli. Aniya, wala na raw silang balak pang mamuhay bilang mag-asawa. Sapat na raw na maging magkaibigan silang muli alang-alang sa mga anak nila.

Sa presscon ng teleserye ni Claudine sa TV5, ang “Bakit Manipis Ang Ulap?,” iginiit ni Claudine na walang balikan na magaganap sa pagitan nila ni Raymart. Sa tanong kung paano niya nagawa na matapos ang katakot-takot na gusot ay muli silang nagkaayos na dalawa, “Dasal lang. Sobra-sobrang dasal. And then, eventually, things fell into place. At saka throught the years, nagma-mature na kami, sagot ni Claudine.

“Yung love namin for our kids, siyempre, yun ang namamagitan sa lahat. Sabi nga namin, we have no other Ferragamo Accessories Sale choice, we’re stuck with each other until we get an annulment.”

“Kailangan namin talagang magkaroon ng relasyon kahit bilang magkaibigan na lang ngayon kasi nga we have kids. Yun ang hindi maintindihan ng mga tao. Kasi sa kultura ng mga Pilipino, parang ang weird sa kanila ng concept na yung ex, magkasama at magkaibigan. Pag nakita kayo, iisipin agad, Cheap Ferragamo Mens Shoes Sale Online nagkabalikan.”

“Hindi naman Ferragamo Lace Up mahirap intindihin. A mayroon kaming dalawang buhay na pinalalaki. Dalawang batang pinalalaki. Sabi nga namin, wala na kaming room to make any mistake, even the smallest mistake. Kasi if ever, kawawa naman yung mga bata, sobrang bugbog na yung mga anak namin,” paliwanag ni Claudine.

Natatawa na nga lang daw sila ni Raymart kapag Ferragamo Mens Belts Sale tinutukso sila ng mismong mga anak nila na magkabalikan na lang daw at doon na raw uli matulog sa bahay nila. Inamin din niya na may mga times na naglalambingan na rin sila ni Raymart.

“Oo. Marami kaming ganu’n. Halos araw-araw magkausap kami. Actually, it’s not only for the kids, e. I think it’s actually for Ferragamo Mens Sandals Sale Online ourselves also. Kunwari pag ano, ‘O, pauwi na ako from taping.’ Or tatawag ako na, ‘Grabe yung taping today, ang sakit ng ulo ko.’

“Tapos siya may sakit. So, nagda-diarrhea siya. Kung kinakailangan mong pumunta sa ER, standby ka lang. So, the kids and I would go. Ang nangyari, pinapunta ko ang mga bata sa kanya to take care of him,” ani Claudine sa panayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).

Wala rin daw problema kung matulog uli si Raymart sa bahay nila, mas mabuti nga raw yun ngayon dahil magiging busy na siya work, “Kaya nga pinaayos namin yung room, so that kapag wala ako, puwede na siya doon. He’s allowed to go in and out of the house.

“And wala rin, hindi rin namin sinusunod yung sa court na ang visitation is supervised for once a week,” aniya pa.

Pero kinontra ng aktres ang balita na baka ma-develop uli siya kay Raymart dahil nagiging close na uli sila, “Happy na ako, kasi napakaganda na ng relasyon namin ngayon. Nag-usap kami ni Raymart, sobrang nakaka-proud yung mga anak namin, sobra talaga. They’re achievers, very respectful, marunong mag-po, opo, magalang sa mga tao, matatalino.

“Ang suwerte-suwerte namin talaga. We’re very blessed with our kids,” dagdag pa ni Claudine.

Pahabol ni Claudine, siguro maiisip nilang muling mag-file ng annulment kung may karelasyon na silang pareho at naiisip na nilang pakasalan ang kanilang magiging respective partners.

Leave a comment