
Claudine Barretto spent her birthday with her family, including sister Marjorie
By PSR News Bureau
Nagsimula ang unang hakbang ng kanilang pagbabati sa 18th birthday debut ni Julia Barretto ilang buwan na ang nakalipas. At ngayon nga’y tuluyan na nga yatang naaayos anuman ang naging alitan sa pagitan nina Claudine at Marjorie Barretto.
Nagdiwang si Claudine ng kanyang 36th birthday sa piling ng kanyang pamilya kasama ang kanyang Ate Marjorie at ang mga pamangkin niya ritong sina Julia, Claudia at Dani Barretto. Unti-unti nang nanunumbalik ang masaya nilang samahan. Unang nagbahagi sa kanyang Instagram account ng larawan si Claudine na may caption na: “I’m so thankful for this day, @marjbarretto. Hindi naman lingid sa kaalaman ng showbiz na among all the Barretto clan, pinaka-close si Claudine sa mga anak ni Marjorie na itinuring niyang mga ‘anak’ noong dalaga pa siya. In fact, ang tawag nga sa kanya ni Dani na panganay ni Marjorie [anak nila ni Kier Legaspi] ay ‘Mama.’
Labis-labis ang makikitang kaligayahan ni Claudine sa mga larawan sa kanyang IG account. Wala man si Raymart na dati niyang asawa, sapat na sa aktres na maging okay na at maayos nang muli ang kanilang samahan para sa kanilang mga anak bilang magkaibigan. Kahit ang karera ni Claudine, muling nagbabalik sa pag-arte si Claudine via “Etiquette for Mistresses.” Sana nga’y magtuloy-tuloy na muli sa pag-arte si Claudine at nawa’y kuminang muli ang kanyang bituin. Mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), Happy birthday Claudine!