May 23, 2025
Clique V, Belladonnas showcase unbelievable performances in ‘This Is Me’
Latest Articles

Clique V, Belladonnas showcase unbelievable performances in ‘This Is Me’

Feb 26, 2019

Pinatunayan ng fast-rising all male-boy band na Clique V at promising all-female dance group na Belladonnas na total performers sila sa nakaraang This is Me all out concert na ginanap sa SM North Skydome noong Pebrero 23. 

Hindi lang sila nagpakitang-gilas sa pagkanta at pagsasayaw dahil pinatunayan nilang may K din sila mag-host.

Sa naturang concert, binigyan ng moment ang bawat talent ng 3:16 Events and Talents Management Company na pagmamay-ari ni Len Carillo.

Sa Clique V, well-applauded ang sexy Magic Mike number ni Marco na halos tinalbugan si Channing Tatum sa kanyang makalaglag-panty na production number kung saan nag-T back ito at nagpakita ng puwet.

Nag-rap naman si Karl sa kanyang mala-Gloc 9 na number. Hindi naman nagpahuli ang tsinitong si Gab na parang Koreano ang peg sa kanyang dance number with the very graceful Rie ng Belladonnas sa kanilang makapigil hiningang-sayaw sa saliw ng “Buwan” ni JK Labajo.

Boy next door naman ang dating ng pinabatang cutie ng Clique V na si Blaize.

Angat na angat din ang kilabot ng dance floor na si Sean sa kanyang performance.

Level up din sa kanilang performances sina Josh, Kaizer at Calvin lalo na sa kanilang rendition ng Michael Jackson songs. 

Sa mga girls, wala kang itulak-kabigin sa kanilang performances.

Na-prove ni Quinn na puwede siyang mag-reyna sa kanyang Queen of the Night production number.

Scorching hot din ang dating ng voluptuous vixen na si Chloe na naging emosyonal sa pagbibigay-pugay sa kanyang nanay.

Lumutang din ang kahusayan ng iba pang Belladonnas members tulad nina Phoebe, Jazz at Tin lalo na sa kanilang  Cell Block Tango number na  mula sa acclaimed musical na “Chicago.”

Most endearing din ang ginawang tribute ng Clique V at Belladonnas sa kanilang mga magulang na inalayan pa nila ng roses.

Sa nakaraang back-to-back concert, naging special guests sina Anna Ramsey, Hashtag CK, Sanya Lopez, Jak Roberto at Arron Villaflor.

Pagkatapos ng kanilang matagumpay na “This is Me: All Out Concert”, mas naging in-demand ang mga talents ng 3: 16 Events and Talents Management Company.

Nagpasaya rin sila at nag-perform sa Sto. Nino Fiesta Red Musical Jamboree kamakailan na idinaos sa Sto. Nino Plaza sa Muntinlupa City kung saan nakasama nila ang Salbakuta, ang Ex Battallion, Just Hush, John Roa, Moymoy Palaboy at Viva Hot Babes.

Bukod pa rito, hataw din ang nasabing all-male boy band at all-girl dance group dahil ibang level naman ng versatility ang kanilang ipakiikita: ang pag-arte sa  advocacy film na “Kodep.”

Leave a comment