May 24, 2025
Coco dismayed over ABS-CBN closure: Tinatarantado ninyo mga Pilipino!
Latest Articles

Coco dismayed over ABS-CBN closure: Tinatarantado ninyo mga Pilipino!

May 6, 2020

Bihirang magsalita sa kanyang socmed account ang Kapamilya star na si Coco Martin.

Katunayan, itinuturing ang aktor sa isa sa pinaka-madiplomasyang artista sa showbiz.

Kaya naman, marami ang nagulantang sa naging post niya sa kanyang Instagram account kaugnay ng reaksyon niya sa direktiba ng NTC na ipasara ang ABS-CBN dahil paso na ang prangkisa nito.

Sa kanyang post, binanatan niya ang naturang ahensiya at si Solgen Calida kaugnay ng panggigipit umano nito sa network sa panahon ng pandemya.

Ito ang nilalaman ng kanyang pahayag hinggil sa cease and desist order ng NTC sa Dos.

“Tutal wala naman kasiguraduhan kung buhay pa ako pagkatapos ng pandemic na ito. Tama lang na masabi ko ang mga saloobin ko. Sa mga taong pilit nagsulong sa pagpapasara sa ABS-CBN, sana ay panatag na panatag na ang kalooban niyo. Sana nagdala ito ng lubos na kaligayahan sa mga puso ninyo,” aniya.

Binatikos din niya ang mga taong nasa likod ng pagpapasara ng naturang broadcasting network.

“Anong klaseng mga tao ang gumawa nito? Alam ninyo na ang ibig sabihin ng pagkasara ng ABS-CBN ay kawalan ng trabaho ng ilang libong empleyado kasama ang mga pamilya nito. Ilang libong pamilya ang magugutom sa kabila nang lahat ng nangyayari sa mundo ngayon. Talaga bang nagawa niyong unahin ang pagpapasara ng isang istasyon na bumubuhay sa napakaraming Pilipino?” himutok niya. 

Ipinagtanggol din niya ang network sa naging role nito sa pagsusulong ng interes ng pamilyang Pilipino.

“Sa gitna rin ng lahat ng ito, hindi iniwan o pinabayaan ng ABS-CBN ang mga empleyado nito, inagapay niya ang bawat empleyado upang makaraos. Hindi ko alam kung anong klaseng mga tao kayo at kung anong klaseng konsensiya ang mayroon kayo para maisip niyong ipasara ang ABS-CBN sa gitna ng daan at libong mga taong nagkakasakit at namamatay dahil sa epidemyang ito. Hindi kayo ang mga taong dapat kinakausap ng maayos, ang dapat sa inyo tapatan ng kabastusan at kawalanghiyaan tulad ng inaasal ninyo!” ani Coco.

“Malinaw sa akin na MALI at KAWALANG KATARUNGAN ang tanggalan ng hanapbuhay ang ilang libong empleyado ng isang kumpanyang naglilingkod sa sambayanang Pilipino ng ilang dekada. TINATARANTADO NINYO  MGA PILIPINO!!!” dugtong niya.

Leave a comment