May 23, 2025
“If ever I will court Julia, I will let the public know.”; Coco-Julia, teams up in ‘Wansapanataym Presents: Yamashita’s Treasure’
Latest Articles T.V.

“If ever I will court Julia, I will let the public know.”; Coco-Julia, teams up in ‘Wansapanataym Presents: Yamashita’s Treasure’

Feb 19, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

d980cdc0d99011e2a9ff22000aaa0374_7 Pagkatapos magtambal noon bilang mag-asawa sa matagumpay na nagktapos na series na “Walang Hanggan”, ngayon ay balik-tambalan sina Coco Martin at Julia Montes. But this time ay hindi sa isang serye kundi sa fantasy show na[highlight] “Wansapanataym Presents: Yamashita’s Treasure”, na mapapanood next month, sa loob ng buong buwan ng March.

Masaya si Coco na nakatrabaho ulit si Julia na ayon sa kanya ay isang kaibigan lang at hindi sila nagkaroon ng relasyon noon habang ginagawa nila ang nasabing serye. At kahit ngayon ay hindi raw niya nililigawan ang aktres.

“Wala pa naman. Honestly, nakakatuwa rin kasi marami ring mga tao na mas nae-excite pa kesa samin. Then, nakakatawa kasi alam naming nagiging effective kami sa bawat proyektong ginagawa namin,” sabi ni Coco.

Dagdag niya, “Pinangungunahan niyo mauudlot eh. Hindi, hindi pa. Hindi pa.”

Anong pumipigil sa kanya para ligawan si Julia?

“Hindi ko rin alam eh. Ang hirap ng tanong eh.

“Hindi ayun lang, siguro may mga bagay lang na iba-iba kasi ang mga tao eh. May mga bagay na talagang alam mo na hindi dapat minamadali or kanya-kanya kasi ng proseso ang mga tao eh.

“Ako kasi sinasabi ko nga maraming priorities.”

Isa pang dahilan ni Coco, ay ayaw niya raw samantalahin ang pagkakataon na dahil close sila ni Julia ay liligawan niya na ito.

“Na ‘yun nga kapag nasa soap or magkasama kayo parang manliligaw ka.

“Ako gusto ko talaga, if ever lang, gusto ko makilala ako ng tao at kung makikilala niya ako kung ano talaga ako ‘yun ang magugustuhan niya sa akin.

“Hindi ‘yung pretentions na magpapaka-gentleman ka para magustuhan ka.”

Kung sakali raw liligawan niya si Julia ay aaminin niya ito at hindi ililihim sa publiko.

Follow me…

social networkingRommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente

Leave a comment

Leave a Reply