May 22, 2025
Coco Martin attributes Ang Probinsyano’s success  to teamwork
Faces and Places Latest Articles T.V.

Coco Martin attributes Ang Probinsyano’s success to teamwork

Jul 14, 2016

by Archie Liao

Dahil sa kanyang exposure sa mga indie films at sa mga TV series na “Walang Hanggan” at “Ikaw Lamang” kung saan niya tayo pinaiyak, naging challenge para kay Coco Martin kung paano niya babaliin ang kanyang imahe bilang seryosong aktor na identified sa drama sa kanyang mga susunod na proyekto.

Malaki ang naitulong ng kanilang naging pagsasama ng phenemonal box office star na si Vice Ganda sa highest grossing Pinoy film of all time na “Beauty and the Beastie” upang Cheap Stone Island Shorts Mens Sale mabago ang Mens Stone Island Jacket Sale perception na ito.

Stone Island Shirt Mens Sale Uk Katunayan, napatunayan niya na puwede rin pala siyang magpa-kuwela at maipakita ang kanyang comic side tulad na lamang ng mga ginagawa niya sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Kikay at kalog si Maja (Salvador). Paano nakatulong si Maja upang lalo mo pang mailabas ang iyong versatility bilang dramatic actor at comedian?

“Actually, kami ni Maja, nagtutulungan kami like doon sa Paloma character ko. Merong mga eksena roon na kailangan kong sumayaw sa talent portion noong contest. Naroon si Maja. Ginagaya ko lang ang ginagawa niya. Siya iyong nagtuturo sa akin. Alam naman kasi ng lahat na hindi ako komedyante pero dahil nga sa mga taong nakapaligid sa akin, nabubuo iyong relationship. Buong-buong ang suporta namin sa isa’t isa. Buong-buo kami at iyon ang nagiging strength namin”, ani Coco.

Stone Island Sweater Mens Sale Masayang-masaya si Coco dahil hindi natitinag sa number one spot sa ratings ang “FPJ’s Ang Probinsyano” na Stone Island Sale Uk malapit nang mag-anibersaryo.

Isang malaking karangalan din sa kanya na maMens Stone Island Jacket Sale Uk kasama ang kanyang hinahangaan at award-winning actor-director na si Cesar Montano.

“Seasoned actor siya hindi lang pagdating sa aksyon kundi pati sa drama kaya ang dami kong natututunan sa kanya”, bulalas ni Coco.

Inamin din niya na napag-usapan nila ni Cesar na gawan ng  remake ang “Utol” ni Toto Natividad.

“Sinabi ko nga kay Kuya Buboy (Cesar) na kung may gagawin kaming proyekto, gustong kong gawin iyong “Utol” nila ni Victor Neri dahil maganda ang kuwento noon”, aniya.

Nagpapasalamat din siya sa suporta ng mga co-stars niya sa nasabing TV series.

“Laking pasasalamat ko kina Tita Susan, Tito  Albert at iyong ibang kasama sa cast pati na ang staff and crew kasama na ang creative team namin dahil gina-guide nila ako o nagtutulungan kami sa set kung paano mapagaganda pa ang kuwento at iyong programa namin”,pahayag niya.

Excited din na ibinalita ni Coco na mage-guest si Vice Ganda sa toprating Kapamilya TV series.

“Looking forward ako to work with him again at ibang Vice ang mapapanood dito dahil hindi siya makikilala at ibang-iba ito sa mga ginagawa niya”, pagbubunyag niya.

Ayon pa kay Coco, marami pang hindi dapat kaligtaang mga eksena sa mas pinaigting na  “Ang Probinsyano”.

“Marami pa kaming pasabog. Hanggang hindi natatapos ang krimen sa buong Pilipinas, marami pa kaming gustong gawin. Marami pa kaming istoryang kapulisan na gustong i-tackle. Marami pa kaming nilo-look forward na makatrabaho. Ginagawa namin ang ‘best’ namin para magbigay kami ng inspirasyon at  maibalik ang tiwala ng mga tao sa ating kapulisan”, esplika niya.

Tungkol naman sa kanyang lovelife, hindi naman nagmamadali si Coco.

Wala pa rin sa plano niya ang mag-settle down.

“Ang buhay naman ng tao, hindi perpekto. Hindi lahat maa-accommodate mo. Hindi lahat napapasaiyo. Siguro, pagkatapos ng mga ginagawa ko, puwede ko nang paglaanan ang tungkol sa lovelife”, pagwawakas niya.

Bukod sa mga maaaksyong eksena, kinagigiliwan din ng mga tagasubaybay ng “Ang Probinsyano” ang kuwento nina Onyok (Simon Pineda) at Makmak (McNeal Briguela).

Kaabang-abang din ang powerhouse cast nito na kinabibilangan ng Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces, Albert Martinez, Maja Salvador, Arjo Atayde, Agot Isidro, Jaime Fabregas, Pepe Herrera at marami pang iba.  

For  your comments/reactions write to .

 

Leave a comment