May 23, 2025
Coco Martin prepares for his new role in “Ang Probinsiyano”
T.V.

Coco Martin prepares for his new role in “Ang Probinsiyano”

Sep 8, 2015

roldan@castro

By Roldan Castro

Grabe ang naging preparasyon ni Coco Martin sa bago niyang serye sa ABS-CBN 2 na “Ang Probinsyano.”

Gaano kahirap ang maging ‘in-training’ na kanyang ginawa bilang pulis sa palabas na ito?

“Actually lahat naman mahirap. Sabi ko nga, before kami nag-taping sa PNPA, nagkaroon kami ng one week training talaga. Lahat ng training na ginagawa ng mga police, para during sa shooting mismo, mabilisan namin inaral yun, ‘yung pagmartsa namin, pagkilos namin. Kumbaga, Coco martin PNPAibang-iba talaga, hindi ‘yung parang naga-adjust kami pag nagso-shooting, mahahalata kasi kung ibang-iba ‘yung galaw ng pulis sa normal na tao. Nagpi-prepare talaga kami. Nagti-training lahat para maintindihan namin at para hindi na nagkakamali sa actual shooting,” deklara niya.

One week daw nila nilaan ang shooting.
“Sabi nga namin, puwede na kaming maging pulis,” natatawa niyang pahayag.
“Nandito na kami, gusto na naming panindigan at gusto na naming gawing makatotohanan ang mapapanood ng tao,” dagdag pa niya.

Mahabang proseso kung magpapayat pa siya at mag-diet para sabayan pa ‘yung tamang timbang ng isang pulis. Kung sasabayan niya ng workout baka maapektuhan ang health niya dahil araw-araw siyang nagtatrabaho. Pero okay pa naman daw ‘yung katawan niya.

“Katawang pangminamahal,” bulalas niya sabay tawa.
Sa totoong buhay ba marunong siyang humawak ng baril? Magaling ba siyang magpaputok ng baril?Coco martin gun
“Actually, mahilig talaga ako sa baril,” aniya.
Kailan siya nahilig magbaril-barilan?
“Matagal na po. Di ba nag-training na rin ako ng basic sa “Tayong Dalawa” dati? Ngayon bihasa na ako sa paghawak at pagpaputok ng baril,” sabi pa niya na nagtawanan dahil binibigyan ng ibang meaning ang salitang ‘putok’.

Dati bang probinsyano si Coco?
“May probinsya po ako sa Pampanga pero hindi na po ako dun lumaki kasi dito na ako lumaki sa Novaliches. Pero dati po, nu’ng bata pa ako at everytime na nag-aaway ang parents ko, dun kami tumatakbo para maglayas,” aniya.
Sa San Fernando raw siya at saka Arayat.
“Talagang probinsya siya, palayan talaga siya. Naglalaro kami noon sa palayan, naliligo sa ilog,”aniya.

Di ba hubo’t hubad ‘yun dahil mga bata pa?
“Siyempre po,” tugon niya kaya nagtawanan ulit.

cocoSa training ba nila, hindi sila naligo nang sabay-sabay?
“Honestly, dapat meron. Kaso siyempre, iniingatan po natin ‘yung.. kinu-consider natin ‘yung mga batang manonood kaya tinanggal po namin,” aniya.
Aminado rin si Coco na probinsyano siya at heart.
“Lumaki kasi ako sa lola. ‘Yung mga natutunan ko habang lumalaki, naa-adopt ko. Minsan sa pagsalita ko masyado akong malalim magtagalog, ‘wag lang English,” sambit pa niya.

Tinanong din si Coco kung nagkita sila ni Fernando Poe Jr nung buhay pa ito?
“Yun nga po ang pinanghihinayangan ko, hindi po eh,” tugon niya.
“Nanghihinayang ako na hindi kami nag-abot. Sana naabutan ko siya at nagkausap kami. Sabi ko nga, napakarami ko sigurong natutunan sa kanya, hindi lang sa trabaho kung hindi pagdating din sa buhay. Kumbaga, alam ko na marami akong matutunan sa kanya,” bulalas pa ng Kapamilya Primetime King.
Kuwento pa niya na noong first shooting niya ang unang title role niya ay iyong “Masahista” nu’ng mamatay si FPJ. Natutuwa raw si Ms. Susan Roces at si Senator Grace Poe na binigyang halaga at binigyang buhay niya ang dating pelikula ni FPJ.

Masuwerte si Coco na siya ang unang gumanap na “Ang Probinsyano” samantalang ‘yung iba ay puro sa “Panday.”
“Sobrang saya ko dahil bukod sa pinayagan kami ni Tita Susan na gawin itong “Probinsyano,” siyempre po, ‘yung makapag-tribute ka sa mga kapulisan ay isang malaking bagay rin. Kumbaga, maibalik ang tiwala sa mga pulis. Hindi naman po lahat talaga masama. May mga taong Probinsyano - Coco martinnagkakamali pero marami ring pulis na matitino,” pahayag pa niya.

Personal choice ba niya si Maja Salvador bilang leading lady?
“Ay, nagkataon po kasi talaga na ang original ..kasama ko po dito sina Bela (Padilla) at Angeline (Quinto), nagkaproblema po kami kay Angeline dahil sa schedule po dahil iere na kami by September. Ang dami pong sked ni Angeline kaya napilitan po kaming magpalit, sakto namang patapos ang serye ni Maja. Nagkataon na nag-swak ‘yung schedule niya po,” pahayag pa ni Coco.

Ano naman ang reaksyon niya na may kakambal siya sa “Ang Probinsyano,” ang rumored girlfriend niya na si Julia Montes ay may kakambal din sa “Doble Kara”? Ano ang reaksyon niya?
“Sakto naman,” sabay tawa niya.
“Nagkataon lamang po. Malamang magliligawan ‘yun,” pagbibiro niya.
Pinandigan niya na wala pa ring ligawang nangyayari sa kanila. At ayon sa kaniya, wala pa ‘yung bahay at lupa na itsinitsismis na bigay niya kay Julia. Balita kasi na nagpapagawa diumano si Julia ng bahay at lupa sa mismong subdivision na nakatira si Coco.

“Nahihiya ako para sa kanya dahil may lumalabas na ganoong issue. Siguro kung may ibibigay man ako hindi bahay siguro wisdom,” sambit pa niya.
Anyway, ang bumubuo sa powerhouse cast ng “Ang Probinsyano” ay sina Albert Martinez, Agot Isidro, Maja Salvador, Arjo Atayde, Bela Padilla, Jaime Fabregas, at Susan Roces. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco.

Leave a comment

Leave a Reply