May 23, 2025
Coco Martin shaves hair for a role in the remake of FPJ’s ‘Ang Probinsyano’
Latest Articles T.V.

Coco Martin shaves hair for a role in the remake of FPJ’s ‘Ang Probinsyano’

Jun 2, 2015

by PSR News Bureau

coco-martinHindi man siya ganoon ka-‘yummy’ tingnan ngayon matapos magpakalbo ng buhok ang magaling na aktor na si Coco Martin, buong-buo pa rin naman ang kumpiyansa nito dahil alam niyang ginawa niya ito alang-alang sa kanyang ginagampanan na karakter sa remake ng isang Fernando Poe Jr. (FPJ) classic na ‘Ang Probinsyano.’ Muling bibigyang buhay ni Coco ang karakter na minahal ng mga manonood sa orihinal na bersyon ni ginawa ng nasirang ‘The King’ noong 1997. This time, ang remake ay maaaring mapanood bilang TV series soon.

“I’ll grow my hair back naman, so okay lang. Alam ko naman na kailangan ito para mas maging makatotohanan ang aking pagganap,” sabi ni Coco sa Philippine Showbiz Republic (PSR).
coco-haircut
Ipinakita din sa nasabing sa Instagram account ng Dreamscape Entertainment ang larawan ng aktor na shaved na ang buhok nito. Ipinakita rin ang larawan ni Coco kasama ang maybahay ng nasirang FPJ na si Ms. Susan Roces. Ipapalabas sa taong ito ang TV adaptation ng ‘Ang Probisyano’ kung saan makakasama ni Coco sina Angeline Quinto at si Bella Padilla. Ito ay sa ilalim ng direktor na si Malu Sevilla.

Leave a comment

Leave a Reply