
Coco Martin wears T-back in ‘3POL TROBOL’
Kaabang-abang ang filmfest entry na “3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.”
Pinagsama ba naman dito ang King Of Television na si Coco Martin, ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas at ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado.
So, expect na triple ang saya, kilig at aksyon nito.
Hindi rin dapat palagpasin ang produksyong ito ng CCM Productions dahil may pa-T-back si Coco.
Katunayan, ito raw ang pinakamahirap na pelikulang nagawa niya.
“Ang hirap magbihis-babae, talagang in-effort-an ko. Lahat ng looks ko, talagang iniba-iba ko. Hindi ako ‘yung palit-makeup lang. Lahat, contact lens, kuko, palit,” kuwento niya.
“Ako ‘yung dumarating na pinakamaaga sa set. Kasi nga, 1 ½ hours akong minemeykapan. Tapos, bibihisan ako na kung anu-anong nilalagay sa akin para maging sexy,” dugtong niya.
Nagbabalik dito si Paloma, ang drag character na pinasikat niya sa FPJ’s Ang Probinsyano pero times five daw ang ginawa nito.
“Ibang-iba iyong Paloma rito at talagang sinagad ko na siya,” aniya.
“Actually, isa sa pinaka-highlight ng pelikula ‘yung nilalandi ko si Sam (Milby) na sumasayaw ako sa harapan niya, ganyan. Tapos, ‘yung magki-kiss kami. Iba, ibang ano. Kasi, sabi ko nga, gagawa ka na rin lang ng comedy, sagarin mo na. Wala nang tipiran. Lahat ng maiisip mo, lahat ng mga hindi ine-expect ng mga tao.Sabi ko nga, sana lang after nito, lahat ng nanonood ng ‘Probinsyano’, bumalik pa rin ‘yung pagtingin nila kay Cardo. ‘Yung respeto sana, nandu’n pa rin,” natatawang tsika ni Coco.
Dahil times five si Paloma this time, may sarili raw siyang glam team na in-charge ng outfits nito.
Kahit hindi rind aw siya kumportable, kinarir daw talaga niya ang kanyang drag character para lang masiyahan ang mga manonood.
“Ang dami palang mga palaman-palaman dito (sa tagiliran) na mga basahan! Lahat ng pawis ko, hinigop ng basahan!” natatawa niyang ibinahagi.
Dagdag pa, nagkasugat-sugat din daw ang kanyang katawan dahil sa sinuot niyang corset.
“Actually, napasubo ako rito. Nu’ng pinresent ko kay Jennylyn ‘yung concept, sabi ko, ‘Jen, ganito ‘yung mangyayari, ganyan-ganyan. Tapos, may eksena tayo rito, magsu-swimming tayo, naka-swimsuit ka. Tapos, ako rin naka-swimsuit, tapos naka-T-back,” bida niya.
“Eh siyempre, nu’ng pinresent ko kay Jen, para pumayag siya, ine-excite ko siya. Eh nu’ng gagawin na namin ang pelikula, kaya ko bang panindigan? Kasi nga, kailangan kong magpakita ng puwet. Eh siyempre, mapapahiya naman ako sa kanya (Jen) ‘pag hindi ko ginawa. Ginawa na namin sa pelikula,” dugtong niya.
Ginagampanan ni Coco ang papel ni Apollo Balbon , anak ng single mom na si Mary (Ai Ai delas Alas), bodyguard ng isang military na naipit nang maging major suspect sa pagkaka-ambush ng kanyang boss.
Kung paano niya iaabsuwelto ang kanya sa krimen sa tulong ni Trina (Jennylyn Mercado), anak ng kanyang boss ay dapat abangan.
Kalahok sa 45th Metro Manila Film Festival, kasama rin sa cast sina Sam Milby, Edu Manzano, Tirso Cruz III, Joey Marquez, Carmi Martin, Mitch Valdes, John Prats, Jojit Lorenzo, Mark Lapid, Bianca Manalo, PJ Endrinal, Super Tekla, Boobsie Wonderland, Marc Solis, Lester Llansang, John Medina, Donna Cariaga, Noong Ballinan, Joven Olvido, Sancho delas Alas, Bassilyo, Smugglaz, Happy, Soliman Cruz, Jhong Hilario, Ping Medina, Kim Molina, Pepe Herrera, Long Mejia, Lou Veloso, Marissa Delgado, Whitney Tyson, Bernard Palanca, Ali Khatibi, Paolo Paraiso, Ivana Alawi at may special participation si Yorme Isko Moreno.