
Coleen Garcia clarifies issue about her alleged ‘attitude’ problem on “It’s Showtime”
by Mildred A. Bacud
Nakausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) si Coleen Garcia sa Thanksgiving party ng teleseryeng “Pasion de Amor.” Extended kasi ito hanggang February 26 at dahil sa taas ng rating ay umabot ito ng nine months sa ere. Kaya naman ganun na lamang ang saya ng buong produksyon.
Hindi naman nakaligtas ang aktres sa mga intrigang kinasangkutan niya tulad na lamang nang totoong dahilan ng pagkakatanggal niya sa programang “It’s Showtime.”
“It’s the decision of management already. They told me na it’s better that I focus muna sa acting ko. Nahiya na rin ako kasi lagi akong napapa-absent,” bulalas ng magandang tisay na aktres.
Kadalasan daw kasi umaga na natatapos ang taping kaya’t naaapektuhan ang pagpasok niya sa nasabing noontime show. Pero may mga lumabas kasing isyu na ang pagiging pasaway diumano niya ang totoong dahilan.
Esplika ng aktres, “Yung sinasabi nilang pasaway ako, hindi naman nila masabi in what way ako naging pasaway o nagkaroon ng attitude.”
Isa pa sa sinasabing dahilan ay pagkakaroon daw nila ng misunderstanding ng kasama niya sa programa na si Anne Curtis, “ That’s not true. In fact, si Anne ang unang nag-text sa akin asking kung true nga yung wala na ako sa show. We’re okay.”
Naniniwala naman si Coleen na makakatulong ito sa relasyon nila ng boyfriend na si Billy Crawford na kahit paano ay magkaroon sila ng professional space.
“At least we have a space away from each other. Puwede niyang gawin yung trabaho niya as a host, ako naman yung work ko as an actress.”
Masaya naman si Coleen sa last four weeks na episode ng ‘Pasion de Amor’ na consistent sa pagiging top rating. Para ma-extend daw ito ng nine months ay talaga namang nakaka-inspire sa