
Coleen Garcia won’t quit showbiz after marriage
Nakilala si Coleen Garcia sa mga sexy role niya sa mga pelikulang “Ex With Benefits,” “Love Me Tomorrow” at “Extra Service” at maging sa Pinoy adaptation ng hot Colombian telenovela na “Pasion de Amor” na ipinalabas sa Dos.
Sa susunod na taon, ikakasal na siya sa kanyang nobyong si Billy Crawford.
Gayunpaman, nilinaw ni Coleen na hindi niya iiwan ang showbiz kung sakaling mag-asawa na siya.
“Acting remains my first love, so tuloy lang siya,” pakli niya.
Hindi rin daw niya lilimitahan ang pagtanggap ng roles dahil wala namang nagbabawal sa kanya.
“As long na gusto iyong role at challenging siya, gagawin ko siya,” pahayag niya.
Hindi rin daw niya iiwan ang pagpapa-sexy kung sakali.
“Depende naman iyon sa role. Ever since naman before, kahit dati pa, ginagawa ko lang ang isang role kung babagay siya sa akin,” paliwanag niya.
Nilinaw rin niya na hindi siya pinagbabawalan ni Billy sa kanyang pagpapa-sexy.
“Billy naman does not meddle in my career. Naiintindihan niya ako dahil pareho naman kaming artista,” sey niya. “May freedom naman ako to do what comes with the job, kung ano iyong naaayon sa role ko kaya never naman siyang nakialam,” sey niya.
Dagdag pa niya, suportado nila ang isa’t-isa sa kanilang mga career move.
“We support each other. Kung ano iyong sa palagay namin na makakapag-contribute sa growth namin as actors and artists, nagsusuportahan kami,” pagtatapos ni Coleen.
Masaya rin si Coleen dahil sa bagong proyekto niyang “Ikaw Lang ang Iibigin” ay muli niyang makakatrabaho si Jake Cuenca na nakasama niya noon sa “Pasion de Amor at” Kim Chiu na naka-eksena niya noon sa “Binondo Girl.”
Aminado rin si Coleen na by nature ay athletic siya at sumasali sa mga marathon at fun run.
“Minsan nga naaksidente ako. Hindi pa kami nagpro-promo noon,” aniya. “Na-experience ko iyong pagod. Ang hirap pala. It requires commitment in itself. It requires dedication just like any other sport. Lahat ng lakas mo, nailalabas mo pero ang reward siyempre ay iyong maabot mo ang finish line,” aniya.
Challenging ang role ni Coleen sa “Ikaw Lang ang Iibigin” bilang kontrabida ni Kim.
“Hindi siya third wheel. Actually, apat kami. Ako iyong ex ni Jake. Si Jake naman, nade-develop ang feelings sa karakter ni Kim. So far, wala pa kaming interaction ni Gerald at hindi ko alam kung paano siya papasok sa conflict,” pagbabahagi niya.
Ito ay napapanood sa Prime Tanghali Lunes hanggang Biyernes bago mag-It’s Showtime sa ABS-CBN.