May 24, 2025
Comedian Amay Bisaya gets spot in ‘Ang Probinsyano,’ compares Coco to FPJ
Latest Articles

Comedian Amay Bisaya gets spot in ‘Ang Probinsyano,’ compares Coco to FPJ

Oct 25, 2017

QUEZON CITY–Maaliwalas ang mukha ni Amay Bisaya nang makita namin siya.

Mukhang masayang masaya siya. At ang dahilan?

“Nagte-taping na ako sa FPJ’s Ang Probinsyano. ‘Yung unang tineyping ko, na i-ere na. Kaya ang daming tumatawag sa aking mga taga ibang bansa, mga TFC subscribers.”

Ibinahagi rin nya sa amin ang natamong sugat malapit sa kanyang siko. Ito ay buhat sa ma-aksyong eksenang kanyang isinagawa.

Kumusta naman si Coco Martin bilang  bago niyang katrabaho?

“Mabait si Coco. Para siyang si FPJ. Nabuhay sa kanya ‘yung ugali ni Da King. Parehong pareho sila,” saad pa ng Komedyante.

Si Joko Diaz ang madalas niyang ka-eksena sa taping dahil sila ang may koneksyon sa istorya.

Napag- alaman din namin na halos lahat ng mga kasabayan niyang mga komedyante ay nasa kabilang buhay na.

Mukhang siya na lamang ang natitirang nabubuhay.

Sana ay mabigyan pa sya ng maraming projects sa telebisyon at pelikula.

Leave a comment