
“Parenting a child with developmental disability is really a roller-coaster experience”- Candy Pangilinan; prides her very first best actress award
For comedienne Candy Pangilinan, she considers the movie “Star na si Van Damme Stallone” a turning point in her acting career.
“Very memorable siya dahil dito nga ako nanalo ng unang best actress award ko sa Cine Filipino. Ang tagal ko nang artista. Ang tagal ko nang nagpapatawa pero para sa drama pala ako mananalo. O, di ba, nakakatawa iyon?” she said.
Candy essays the role of Nadia, a single mother faced with the challenge of bring up a kid with Down Syndrome in this Randolph Longjas’ megger.
According to Candy, she can relate well to her role since in real life, she has a 13-year old autistic son.
“Very relatable siya para sa akin dahil ang anak ko ay differently abled na under the spectrum of ADHD na na-rule na iyong autism niya for almost three years ago. Na-develop na rin ang kanyang social skills. Nakaka-relate ako dahil bilang magulang, pare-pareho naman iyong pinagdadaanan namin na may anak na differently abled.
“Pare-pareho iyong discrimination na kanilang natatanggap. Iyong pag-iintindi at pag-aalaga ay iba rin. Pare-pareho lang kaming gustong mamatay muna sila bago kami kasi pag nauna kami, paano na sila? Walang mapag-iiwanan sa kanila. So, kahit Down Sydrome ang kaso ng anak ko, nakaka-relate ako,” she pointed out.
As a mother, she said parenting a child with developmental disability is a really roller-coaster experience for her.
“Unang-una sa speech kasi noong una,hindi nakapagsasalita iyong anak ko. Noong una, hindi rin siya nakakalakad. Isa iyon sa mga dapat kong harapin so kailangan namin siyang tulungan para makapagsalita at makalakad. Sabi ko nga, parang nagma-masters din ang anak ko, kasi one year pa lang siya, ang dami na niyang activities.
“Kailangan niyang mag-OT, mag-PT, ABA at diet at kung ano pang ibang tests dahil kailangan niya iyon sa early intervention. Other than that, may perception din ang mga tao sa akin na napaka-importante na kapag may bata kang differently abled, dapat consistent iyong ginagawa mo sa loob ng therapy na siya ring dapat na ginagawa mo sa kanya sa bahay at sa labas,” she said.
“Other than that, ako rin mismo, bilang magulang, hinahanapan mo rin ng pagkakamali mo o kung bakit o ano ba ang ginawa mong mali kung bakit nagkaganito ang anak mo. Sinisisi mo rin ang pagbubuntis mo o ano ba ang ginawa mong mali. Tapos pag pumupunta ka ng doctor, tinatanong mo.
“Kanino ba nangmana ang anak mo, sa akin ba ito o genes ba ito o bakit nangyari ito sa kanya? Naghahanap ka ng root cause and I think that’s normal. Normal din lang siya siya sa isang parent kasama na iyong acceptance na i-embrace mo na lang. Iyon ang ilan sa mga challenges na dapat kong pagdaanan,” she added.
In the movie, Candy is mother to Van Damme (Dilanco/Pingol), a child with Down Syndrome who wants to be a movie star.
In the case of her son Quentin, she sees nothing wrong if he wants to make a career in showbiz as long as it is his calling.
“Normal man sila o hindi normal, kung nakikita mo ang hilig nila o passion, o bakit hindi mo i-encourage,” she remarked.
“Star na si Van Damme Stallone” also stars Paolo Pingol, Jadford Dilanco, Isaac Aguirre, Acey Aguilar, Richard Joson, Sarah Pagcaliwagan-Brakensiek, Mara Marasigan and Erlinda Villalobos.
An entry to the first Pista ng Pelikulang Pilipino, it will be shown in more than 80 theaters nationwide from August 16-22.