May 24, 2025
Comedy Queen against Catholic gay marriage
Latest Articles

Comedy Queen against Catholic gay marriage

Jan 9, 2020

Umani ng samu’t saring reaksyon ang pagpabor ng comedy queen na si Ai Ai delas Alas sa naging resolusyon ng Supreme Court na ipagbawal ang same-sex marriage sa bansa.

Katunayan, bagamat may mga sumasang-ayon sa kanya, marami rin namang bashers ang tumutuligsa sa kanya.

Sa press conference ng pelikulang “D’ Ninang,” nilinaw ng komedyana ang kanyang stand tungkol sa isyu.

“Kanya-kanya naman tayo ng opinyon. Sabi ko nga, iyong mga LGBT na mga kaibigan o kapamilya natin o mga mahal natin sa buhay, okey lang naman sa akin iyong relationship (nila) kasi pagmamahalan iyon. Si Lord lang naman ang makakapag-judge,” aniya.

Dugtong pa niya, wala rin daw siyang intensyong maka-offend sa pagpapahayag ng kanyang damdamin.

Klinaro rin niya na ang tinututulan lang daw niya ay ang kasal sa Simbahang Katoliko ng mga miyembro ng LGBT community.

“Tungkol naman sa marriage, sumusunod lang ako sa sinasabi ng Bible, na ang babae para sa lalaki, ang lalaki para sa babae. Opinyon ko lang iyon tungkol sa marriage at hindi sa relationship pero hindi ko naman pinipigilan kung ano ang gusto nila. Kasi iba naman iyong relationship sa marriage, puwede naman tayong magmahalan na nagmamahalan lang,” paliwanag niya.

“Iba rin naman iyong marriage at renewal of vows. Okay lang sa akin iyong exchange of vows. Kasi ang sinasabi ko lang, dito sa atin sa Pilipinas.  Iyong civil, okay lang sa akin, huwag lang sa simbahan. That’s for Catholics dahil katoliko naman ako. Doon sa ibang relihiyon, hindi ko naman sakop iyon dahil hindi ko naman pinakikialaman,” pahabol niya.

Sey pa niya, naging ninang na rin daw siya sa kasal ng ilang miyembro ng LGBT community pero usually exchange of vows ang mga ito, civil wedding at hindi in-officiate ng priests sa Catholic church.

Hindi rin din daw big deal kung sakaling kunin siyang ninang nina Vice Ganda at Ion Perez in case na magdesisyon ang showbiz couple na magpatali  sa isa’t –isa .

Dadalo raw siya as long na hindi raw ito idaraos sa simbahan o civil wedding ito pero di raw niya tatanggihan.

Relate na relate naman si Ai Ai sa kanyang role sa pelikulang “D’Ninang” dahil sa tunay na buhay ay napakarami na niyang inaanak na ang karamihan ay hindi na niya matandaan ang mga pangalan.

Maituturing din daw niyang isang malaking blessing mula sa Diyos ang maging ninong o ninang ang isang tao.

“Ang katungkulan ng isang ninang ang sabi nga nila, pag kinuha ka na isang ninang o ninong ng isang tao, bawal ang tumanggi. Ikaw iyong tumatayong pangalawang ina doon sa mga bata. Parang nanay ka hanggang sa lumaki sila. Pero hindi naman kailangang buhayin mo iyong bata. Iga-guide mo lang sila sa kung ano ang tama o mali sa buhay nila at sa mga desisyon nila sa buhay nila,” esplika niya.

Feeling din niya, isang fulfilment ng pagiging ninong o ninang ang makitang magtagumpay ang kanilang mga inaanak.

“Parang iyon ang misyon ng mga ninong o ninang. Iyon paglaki ng kanilang mga inaanak, malaman o makita nila na nagtagumpay o may narating na iyong mga inaanak nila. Hindi man pinansyal ang naitulong mo at least nai-guide mo sila nang tama,” bida niya. 

Masaya rin niyang ibinalita na sa Enero 12 ay magiging ninang siya sa binyagang bayan na idaraos sa Maynila.

“Sa Linggo, may libreng pabinyag sa Quiapo. Ginawa akong ninang ng mga bibinyagan.,sponsored by Radio Veritas. Mag-aanak ako sa binyag sa mga taong hindi ko kakilala. Ako iyong kanilang major ninang,” pagtatapos niya.

Mula sa produksyon ng Regal Entertainment at sa direksyon ni GB Sampedro, tampok din  sa D’ Ninang ang tambalang Kisses Delavin at McCoy de Leon.

Kasama rin sa cast sina Joey Marquez, Lou Veloso, Kiray Celis, Angel Guardian at  Kelvin Miranda.

Palabas na ang masayang pelikula simula sa Enero 22 sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa.

Leave a comment