May 22, 2025
Comedy Queen Ai Ai delas Alas says she’s no saint
Latest Articles

Comedy Queen Ai Ai delas Alas says she’s no saint

Nov 2, 2016

Balik indie ang magaling na komedyanang si Ai Ai delas Alas sa pelikulang “Area” ni Louie Ignacio na iprinudyus ni Ms. Baby Go with Dennis Evangelista and Ferdinand Lapuz as line producers.

Ito ang ikalawang indie ni Ai Ai  pagkatapos na mapansin siya sa Cinemalaya movie na  “Ronda” ni Nick Olanka.

Mas kilala ka sa mga comedy films, kumusta ang pagbabalik mo sa drama?

“Nagdrama na rin naman ako dati, dahil iyong “Tanging Ina” is a dramedy pero itong “Area” is a straight drama pero may times na matutuwa ka sa mga characters dito dahil sa dialogue”, aniya.

Pangarap daw niyang gumanap ng isang laos na pukpok sa pelikula.

“Isa siya sa fulfillment ng mga dream roles ko, dahil gusto ko talagang ma-experience ang maka-attend sa mga international film fests kasi first time ko kasi iyon”, sey niya. “Happy naman ako dahil napansin siya sa Kazakhstan at nanalo ng Jury Prize. Sana kung tinanggap ako sa Russia, ganoon din ang maging pagtanggap dito sa atin ng ating mga kababayan”, pahabol niya.

Bilang aging prostitute na Hillary, na-meet ni Ai Ai ang mga prosti na nagtratrabaho sa Angels Field o “Area” sa Angeles kung saan sila nag-shoot ng pelikula.

“Nakita ko talaga sila at nakasalamuha. Iyong iba, kasama talaga sa eksena. Nakita ko kung ano iyong kalagayan nila at iyong mga pinagdadaanan nila para lamang makaraos at mabuhay at para maitawid pati ang kanilang mga pamilya at ang kanilang mga pangangailangan. Actually, naawa ako sa kundisyon nila dahil iyong ginagawa nila ay “kapit sa patalim”, kuwento niya.

Unang pagkakataon ding nakasama niya ang kanyang anak na si Sancho sa pelikula.

“Actually, igina-guide ko siya. Bago pa lang siya sa showbiz at sabi ko, small acting lang siya lalo na sa mga indie films na ginagawa niya. Pero, magaling naman siya rito, dahil para na siyang lumang artista pero hindi ko sinasabi ito dahil anak ko siya. May pagmamanahan naman si Sancho dahil magaling na stage actor ang kanyang namayapang ama”, pahayag niya.

Proud din si Ai Ai sa tinanggap niyang Papal Award.

“Inspirasyon siya sa akin para maging mabuting tao. It’s a blessing for me at masaya ako dahil napansin nila ako”, tsika niya.

Nilinaw naman ng comedy queen ang mga pagbabago sa kanyang buhay bunsod ang pagkapanalo niya ng Papal award.

“Ayaw ko namang isipin ng mga tao na santa na ako. Iyong tangga, hindi na ako puwedeng mag-tangga pero iyong short shorts puwede pa. Sabi nga ni Bishop, he wants me to be normal. Hindi naman porke’t Papal awardee, santa na ako. Siyempre, may mga pagbabago pero ganoon pa rin ako at iba naman ang trabaho sa pananampalataya ko. Alam kong makasalanan ako, pero God is a forgiving God who gives second chances. Ang importante ay kung paano ko idina-divert iyong kasalanan ko to do good sa kapuwa ko”, paliwanag niya.

Tungkol naman sa pagli-live in nina Sancho at ng non-showbiz girlfriend nitong si Shanna, walang tutol dito si Ai Ai.

“Nang mabuntis kasi si Shanna, dapat ikakasal na sila ni Sancho, pero hindi nga natuloy dahil nagkaroon siya ng miscarriage. Pero ako, naroon pa rin ako sa matrimonya ng kasal”, pagwawakas niya.

Kasama ni Ai Ai  sa “Area” sina Allen Dizon, Sancho de las Alas,  Sue Prado, Sarah Brankensiek, Tabs Sumulong, Ireen Cervantes, Francisco Guinto, Cecile Yumul, Eurocina Pena at marami pang iba.

Mula sa BG Films, ang “Area” na idinirehe ng award-winning director at scriptwriter tandem na sina Louie Ignacio at Robby Tantingco ay mapapanood na simula sa Nobyembre 9 sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa.

(c) Film Police Reviews
(c) Film Police Reviews

For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.

Leave a comment