
“My competitor is myself although we cannot avoid being compared with contemporaries.” – Kathryn Bernardo; P110M gross earnings of ‘Crazy Beautiful You’ as of March 1
As of yesterday, March 1 ay 110 million na ang kinikita ng pelikulang ‘Crazy Beautiful You’, nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Patunay ng kalakasan ng tambalan ng dalawa that makes them the hottest love team in showbiz now and that makes also Kathryn as the hottest young actress of her generation. Pero hindi naman maiiwasan na magkaroon ng kumpetisyon lalu’t pumapaimbilog din ang mga career nina Liza Soberano, Janella Salvador at Julia Barretto na kasama niya sa grupong IT Girls at nagpi-perform sa ASAP 20. Sa guesting ni Kathryn kahapon sa ‘The Buzz’, ay tinanong siya ng host na si Boy Abunda kung sino sa kanila ang magiging mahigpit niyang kakumpetensya o maaaring sumunod sa kanya.
“I can’t choose eh, feeling ko ako as long as they’re trying and as long as nag-wo-work hard ka. feeling ko ‘yun ang imporante. Parang ako lang naman, parang hindi naman ako sobrang malayo sa kanila na ako ‘yung mag-de-decide sa ganong bagay. I think hindi ako ‘yung right person.”
Sarili lamang daw niya ang tinuturing kakumpetensya ng young actress pero hindi naman daw talaga maiaalis ang pagkukumpara tulad na lamang sa kanila ni Julia Montes no’n.
“Kasi ever since Mara Clara days kino-compare kami ‘di ba? Parati nilang sinasabi na ‘Bakit hindi kayo nag-aaway?’ Or may competition sa inyong dalawa kasi ganon ‘yung sabay kayo ganyan?'”
“Kami kasi nagwo-work. Hindi namin iniisip ‘yung mga ganon. Kunwari sinasabi namin ‘magtulungan tayo kasi kung magpapagalingan tayo hindi siya nakakatulong’.”
May iba-ibang personalidad naman daw ang mga kasama niya sa IT Girls kaya hindi dapat ikumpara.
“Kaming apat magkakaiba kami lalo na sa personality, pati maybe sa pag-arte namin or ‘yung mga kung saan ang strengths and weaknesses namin kasi with Julia she’s very pretty, she’s very smart, alam naman natin ‘yan. And then si Liza nakasama ko siya sa ‘Must Be Love’ at ‘Got 2 Believe’ and nakikita ko ngayon sa ‘Forevermore’ na nakaka-proud siyang panoorin kasi ang laki na ng in-improve niya. She’s willing to learn ever since, ganon ang okay kay Liza.”
“With Janella naman, alam naman natin na sa aming apat siya talaga ‘yung ‘Wow ang galing niyang kumanta’ ‘pag nag-re-recording kami si Janella talaga ‘yung pinaka-singer talaga and then ngayon ‘yun mga reviews pa sa ‘OMG’ parang lahat kami talaga we’re trying talaga to do our best.”
Pero ang isa pa sa kinukumpara sa kanya dahil daw sa may pagkakahawig siya rito ay ang ka-love team ni James Reid na si Nadine Lustre na Kapamilya star na rin. Ang love team din ng Jadine ang sinasabing pinakamalapit na kakumpetensya ng KathNiel. May isyu pang lumabas na hindi sila okey ni Nadine.
“Siguro meron kaming awkwardness ngayong dalawa kasi of course there’s the social media, the Twitter, the Instagram parang napapangunahan ng lahat ng tao bago pa kami mag-meet. So, hindi pa nabe-break ‘yung awkwardness na ‘yun kasi hindi pa kami formally nag-me-meet. Like, siguro sa backstage doon lang kami nagkikita pero parating nagmamadali kasi kami ‘yung next pero sana, open ako sa idea na gusto ko mag-meet kami, makausap ko siya para maalis ang awkwardness. Kasi ayoko talaga ng awkwardness eh.”
Follow me…
Mildred Bacud
@dredzbacud
/mildredamistadbacud