May 24, 2025
It’s confirmed! Beauty Gonzales is 5 months pregnant
Home Page Slider Latest Articles

It’s confirmed! Beauty Gonzales is 5 months pregnant

Sep 11, 2015

psr ad

by PSR News Bureau

beauty gonzales 1 Nakakapanghinayang naman na kung kalian unti-unti nang nagkakapangalan itong si Beauty Gonzales ay saka naman ito nabuntis ng kanyang non-showbiz boyfriend. Kung dati rati kasi’y support lang ang roles na ginagampanan ni Beauty, nag-level up na siya magmula noong pumatok ang tambalan nila ni Zanjoe Marudo sa teleseryeng “Dream Dad.” Simula nga noon ay naging pang-leading lady na ang ibinigay na role kay Beauty ng ABS-CBN. Pero mukhang magbabago ito dahil nga buntis ng limang buwan si Beauty sa kanyang nobyong hindi taga-showbiz na isang art collector at medyo mas may edad sa kanya. In fairness, mukhang masaya naman ang aktres sa karelasyon niya kahit pa may mga anak na rin ito.

Beauty-Gonzalez 2Kasalukuyang lumalabas si Beauty sa “Ningning” kung saan ginagampanan naman niya ang ina ng child actress na si Jana Agoncillo katambal si Ketchup Eusebio. Yun nga lang, malapit na siyang matanggal sa nasabing serye dahil sa kanyang maselang kalagayan. Marami ang nanghihinayang sa pagkakataon na palalampasin ni Beauty kung kalian pa naman dumami ang kanyang proyekto ay saka pa siya nagpabuntis. Sabagay, a baby is always a blessing, ika nga nila.

Pupuwede pa rin naman siyang makabalik after niyang makapanganak tulad ng iba pang ibang female young stats na nabuntis din pero nagkaroon pa rin ng career nung magdesisyon na silang bumalik sa mundo ng showbiz.

Leave a comment

Leave a Reply